Chapter 4

1.4K 43 2
                                    


TIAN MARTELL

HINDI naman kalayoan sa studio ng Seaven Network ang City Field kung saan ginaganap ang Music Festival kaya narating na namin ito ngayon. Pagtapos namin magbayad ng entrance fee ay pumasok na kami, at gaya ng dati ay libo-libong tao pa rin ang dumalo ngayon sa Music Festival. Naging traditional na yata ito sa bawat taon ng Hearts City.

Isa ang City Field sa mga kilalang institution na binuo ng government dito sa Hearts City. Kabilang sa institution na 'to ang Heartful Academy, pinakamayaman na paaralan sa city.

Dito sa City Field kadalasan ginaganap ang mga malalaking programs at activities ng syudad. Napakalawak nito na kahit maraming tao na ang nasa loob ay siguradong kakasya pa rin ang mga taong papunta palang.

Napapangiti kami ng mga kaibigan ko dahil napupuno ngayon ang paligid ng mga amazing designs na nakasunod sa kung anong thema ng program, at 'yon ay ang music.

May makikitang designs na mga music notes symbol. May mga instruments na naka-display sa gilid-gilid at pwedeng gamitin gaya ng guitar, piano, drums at kung ano-ano pa. May makikita din na mga lyrics mula sa mga Pinoy Music and even international music.

Gaya ng dating Music Festival ay hindi rin mawawala ang mga posters ng mga Filipino singers at bands na dadalo dito sa Music Festival, kaya nagtuturoan kami ngayon ng mga kaibigan ko sa poster ng aming mga idol.


Nagagawa ko naman ipagsabay ang pagtitingin sa paligid na kunwari humahanga sa mga designs, pero naghahanap naman ng magandang shawty.

Ang sarap sa mata ng mga nakikita ko ngayon. Napakarami ditong mga magaganda at sexying babae na dumadaan, kaya naiiwanan ako sa likod ng mga kaibigan ko dahil tulala ako nakatingin sa mga babae.

Tumigil sa paglakad ang mga kaibigan ko at nilapitan ako. "Aminin mo nga Tian, pumunta ka ba dito para magsaya, o maghanap ng mga babae?" Natawang nagtanong si Vincent.

Ngumiti ako. "Syempre para makisaya...at the same time maghanap ng shawty, para mas lalong sumaya..." tumawa ako at tsaka umakbay sa kanila. Itinuloy namin ang paglalakad dito sa napakalawak na field at punong-puno ng tao.

Habang tumitingin ako sa paligid ay napakunot-noo ako. "Bakit wala pang mga singers at bands ang nandito ngayon?" Tanong ko.

Nilingon ako ni Blue. "Mamayang gabi pa magsimula ang most exciting part na puro kantahan. Ngayon hanggang mamayang hapon ay puro mga activities para sa mga dumalo. Merong mga games, singing contest, talent search at kung ano-ano pa na siguradong mag i-enjoy ka kung sasali ka..." masaya siya na parang gusto niya sumali.

"Sige sali tayo!" Excited na pagkasabi ko.


Habang naglalakad kami at naghahanap ng activities na pwede naming salihan ay napapansin kong nililingon ako ng mga taong narito, malamang dahil isa naman akong actor.

Napatingin ako sa malaking stage na nasa gitna ng field at nakita ko nalang ang mukha ko sa malaking screen. Curious ako sa kung anong meron kaya napapalingon ako sa paligid. Pagkatingin ko sa itaas ay nakita kong may camera drone. Pasimple akong ngumiti at dahan-dahan na kumaway sa camera drone.

Make You Mine Season 1 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now