Chapter 10

786 29 0
                                    


TIAN MARTELL

HERE I am, nakatayo sa labas ng bahay nila Haku habang hawak-hawak pa rin ang box. Grabe, sobrang ganda pala ng bahay nila. Para akong nasa mansion ng royal sa sobrang laki at lawak nito, pero simple lang ang kanilang bahay wala masyadong designs at plain lang ang colors but it was shiny and eligant kung titignan.

Lumapit na ako sa gate at pinatunog ang door bell. Makailang ulit ko na ito pinatutunog pero wala pang nagbubukas. "Kainis, ang tagal naman..." napakamot na ako sa ulo.

Mayamaya lang ay naramdaman kong may tao na mula sa loob ang magbubukas ng gate kaya tumigil na ako sa pag door bell. Nang magbukas ang gate ay bumungad sa akin si Haku na napaka-calming pa rin tignan.

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Ang tagal mo magbukas, para ka namang babae kung kumilos...kanina pa ako dito nagdo-door bell ang bingi-bingi mo naman!" Tinataasan ko siya ng boses sa sobra kong inis.

Naging seryoso ang titig niya sa 'kin ngayon. "Mas pipiliin mo bang mag-ingay dyan sa labas, o dito sa loob?" Tumalikod siya. "Sige dyan ka na, enjoy." Biglang sabi niya at nauna na pumasok.

Dali-dali akong sumunod sa kanya at sinapak ko ang likod niya. "Siraulo ka, ikaw na nga 'tong matagal magbukas ikaw pa 'tong galit!" Lalong inis ko.

Parang hindi siya nasaktan sa pagsapak ko, walang salita na lumabas sa bibig niya habang nilingon ako. At ito na naman siya sa walang taposang titig na parang may kakaiba siyang pahiwatig.


Iniwasan ko siya ng tingin at nagtuon ako sa paglingon dito sa malawak at magandang bakuran nila na puno ng magagandang bulaklak na halos pinagmamahayan na ng garden.

Nakita ko siyang lumakad papunta sa malaking pintoan na mukhang papasok na sa kanilang bahay pero tinitignan ko pa rin ang paligid. "Hey, samahan mo na ako dito sa loob..." rinig ko ang pagtawag niya sa 'kin kaya hinarap ko siya at nakita ko siya nakatayo sa labas ng pintoan.

Isang bagay ang napansin ko sa kanya, ang suot niyang sky blue short kaya kitang-kita ko na ang maputi niyang paa. Dali-dali ko siyang nilapitan. "Uy ang sexy mo naman Tol..." sabay tawa ko.

Tinignan niya ako ng masama. "Shut up and get in now." Binuksan niya ng maluwag ang pintoan at naunang pumasok, dahan-dahan akong sumunod sa likod niya habang tinitignan ko pa rin ang makinis niyang legs.

Nang makapasok ako sa loob ay napanganga ako nang makita ang iba't ibang klase ng gamit na wala ako sa bahay, dahil hindi naman ganito kalaki ang bahay ko. Kahit actor ako, I'm just living a simple life sa isang ordinaryong subdivision house. Pero ayos lang kahit hindi ganito kalawak at walang second floor ang bahay ko, okay na ko sa simple.


Nilingon ko si Haku na nasa gilid nakatingin sa 'kin. "Kwentuhan mo naman ako sa buhay mo, promise hindi ko ipagsasabi kahit kanino." Tugon ko na parang interested ako sa life niya, napaka-private naman kasi niya.

"At ano naman gusto mong malaman?" Tanong niya. "Ahm, kahit ano. Age? Place of birth? Basta kahit ano. Or nationality? For sure kasing hindi ka pure Filipino, half Japaness ka siguro or British," sagot ko.

Naging kalmado pa rin siya kahit napaka-daldal ko na. "My mom's grandma is a pure Thai. While my dad is a half British. But despite of that pinalaki ako ng mga parents ko na maging proud of having a Filipino blood, just like them."

Make You Mine Season 1 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now