Chapter 29

495 25 0
                                    


HAKU MONTERIVER

TAPOS na ako sa pagbili ng mga kailangan sa bahay ni Tian, nacheck ko na lahat ng foods na nakasulat sa dala kog list at ipinasok ko na ang mga binili sa loob ng kotse. Nakamask naman ako kanina kaya walang nakakilala sa akin.

Gusto ko sana tumawag sa kanya kung gising na ba siya at kung meron ba siya gustong ipabili, pero ayaw ko naman magbukas ng cellphone kapag may lakad kaya huwag nalang. Pumasok na ako sa kotse at umalis na dito sa parking lot ng mall. May ngiti sa labi ko dahil pauwi na ako kay Tian.

Pagkauwi ko sa bahay niya ay laking pagtataka ko nang makitang wala dito ang kotse niya. "Umalis ba siya? Hindi man lang nagsabi sa 'kin..." saad ko at pagkatapos ko ma-parking ang kotse ko sa front yard ng bahay niya ay pumasok na ako sa loob dala-dala ang mga binili kong grocery.

Patay ang mga ilaw, napakatahimik, at mukhang wala nga siya dito. Inilagay ko muna sa lamisa ang mga binili at pumunta ako sa kwarto niya para masigurado. Pero wala din siya. "Sa'n siya nagpunta?"


Bumalik ako sa living room at binuksan ang tv para may kunting ingay dito sa bahay niya. Bumungad sa akin ang isang breaking news. Nanlaki ang mga mata ko nang makita sa screen ang mga pictures namin ni Tian na hindi ko naman alam kung saan nanggaling at sinong may kuha ng pictures.

"Trending pa rin nationwide ang post ng isang hindi pa nakilalang HA Student tampok ang mga kuha niyang larawan ni Tian Martell kasama si Haku Monteriver. Wala pang 24 hours ay pinag-uusapan na ito at umani na rin ng samot saring kumento.

Matatandaan na sa Heartful Academy ginanap ang taping ng bagong movie ni Tian at doon din nag-aaral si Haku. Kaya palaisipan ngayon sa mga fans kung coincidence lang ba ito? Or are they having a date pagkatapos nong gabing nangyari sa Music Festival?

An'ya pa sa ilang fans na base sa mga pictures na magkasama sila sa iisang bahay, ay malaki ang chance na sila na nga at inilihim nila ito. Wala pang tugon ang Seaven Network at ang manager ni Tian 'ukol dito. Sinisikap pa din namin makuha ang mga pahayag nila Tian at Haku."

Agad ko pinatay ang tv. "Problema 'to...nakalabas na ngayon sa HA ang mga nangyayari sa amin ni Tian. Sinong nagpakalat nito...?" Napahawak nalang ako sa ulo, siguradong malaking epekto ito kay Tian at sa akin mabubuntong ang galit niya.


Napalingon ako sa pinto at laking gulat ko nang makitang dumating ang mga kaibigan ni Tian na sina Blue at Vincent. Gulat din ang nagbakas sa mga mukha nila na halos mahulog pa ang mga panga nila. "H-Haku...?" Parang hindi makapaniwalang sabi nila.

Dahan-dahan akong kumaway. "Hi..." naging kalmado ako sa pagbati sa kanila.

Nong una ay parang nahihiya pa silang tumingin sa akin at maypahawi-hawi pa sila ng mga buhok parang mga babae kung magpipigil sa kilig. Pero mayamaya ay nagsigawan na nga sila habang nagtutulakan ng braso.

"Oh my goshhh...hindi nga tayo nanaginip Blue, nakita na natin sa wakas ang ating prince charming..." pagsisigaw ni Alvin at parang hindi naman makapagsalita si Blue habang parang magisi na ang baba niya sa laki ng kanyang ngiti, kilala ko ang mga kaibigan ni Tian dahil ilang beses ko na sila nakikitang kasama ni Tian sa mga interview nito.

Make You Mine Season 1 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now