Chapter 12

683 29 0
                                    


TIAN MARTELL

IT'S a new day at magsisimula na ngayon ang napag-usapan naming plano kagabi. Kasama kong pumasok ngayon ang mga kaibigan ko sa Heartful Academy dahil pinili nilang mag-absent muna para masagawa namin ang plano, talagang napaka-supportive nilang friends.

Kakapasok lang namin at nasanay na akong walang sasalubong na fans at magpapapicture sa 'kin, kahit artista naman ako eh parang wala silang paki.

Napahinto kami sa paglalakad nang marinig ang hiyawan ng mga students mula sa entrance gate. Lumingon kami at agad nagsalubong ang mga kilay ko nang makita si Haku na dinumog ng mga fans niya at gustong-gusto magpapicture sa kanya, pero umiiwas lang siya na parang wala siyang paki sa kanila.

Padami nang padami ang nagsitakbohan papunta sa kanya kaya lumapit na ang mga guards para patigilin ang gulo. Nakita kong nahihirapan na ang mga guards sa pag-papatigil sa mga fans na nagtutulakan. Pinagpapawisan na rin si Haku sa sobrang daming nakapalibot sa kanya.

Napabuntong hininga ako. "Naranasan ko din 'yan dati. Nakakamiss tuloy." Mababang tuno ng boses ko.


Natigilan kaming lahat nang biglang sumigaw ang isang guard, malamang napagod na siya sa dami ng fans. "Tama na kayooo...hindi na kayo naawa sa amin...araw-araw nalang namin ito ginagawa, hindi na 'to kasama sa trabaho namin, sana sikat nalang din ako pero ang taba-taba ko...kaya husto na kayo dahil hindi pa ako tapos kumain..." parang gusto na niyang umiyak.

Sandaling nagkaroon ng katahimikan sa paligid at lahat ay nakatingin sa kanya, meron pang nagdadalawang isip kung maaawa o matatawa ba sa kanyang mukha. Pero infairness, nakinig ang mga students sa kanya.

Unti-unting nagsialisan ang mga fans kaya nagsibalikan na rin ang mga guards sa malaking guard house. Mag-isa nalang ngayon si Haku sa kanyang kinatatayoan at nakita ko siyang kalmadong nakatingin sa 'kin.

Tinalikuran ko na siya at naunang lumakad sumunod naman ang mga kaibigan ko. Ilang sandali ay bigla akong natigilan sa hindi maipaliwanag na dahilan. May biglang dumaan sa gilid ko at pagkalingon ko'y natulala ako nang makitang si Haku ito.

Patuloy lang siya sa paglakad at nakakainis na parang wala siyang paki after ng mga ginawa niya sa 'kin, kaya agad ko siyang sinigawan. "Hoy, Haku Monteriver!" Malakas kong tawag sa pangalan niya kaya napahinto siya, at ang gago ay hindi man lang ako nilingon.


"Diputa ka, wala ka man lang sasabihin after ng pinag-gagawa mo sa 'kin! Ano, dadaanan mo lang ba ako?! Hindi ka ba mag so-sorry?! Baka nakalimutan mong dahil sa 'yo, hindi ako nakapag practice ng guitar!" Sinisigawan ko siya at wala akong paki kahit ang daming students ang nagtitinginan sa amin.

Nakita ko siyang ipinasok ang mga kamay sa bulsa ng pantalon niya. "Ikaw na mismo ang nagsabi na hindi ka babae, kaya huwag ka mag-inarte." Para akong sinampal sa sagot niya.

Pinagtatawanan ako ng ilang students kaya parang naninigas ako at hindi makasagot, all my life ngayon lang ako nakaramdam ng hiya sa harapan ng maraming tao.

Pero hindi ako nagpatalo, mas lalo kong inilabas ang buo kong galit sa kanya. "Ikaw din naman ah...nalinis na nga sa laundry ang uniform mo ayaw mo pang tanggapin, arte mo! Napakataas ng pride mo, ayaw mo tanggaping may kasalanan ka din sa 'kin, simpleng sorry lang hindi mo pa magawa..."

Buong tapang kong sagot at hindi na nga siya nakapagsalita. Nagbakas ngayon ang pagtataka sa mukha ng mga students, para silang nagugulohan sa nangyayari.


Mayamaya pa ay lumakad na siya palayo dito, kaya nag-apir ang mga kamay namin ni Alvin dahil ako ang nanalo at talonang umalis si Haku. Habang sina Blue at Vincent naman ay walang kibo, malamang nalungkot sila para kay Haku. Nauna na kami ni Alvin sa paglakad.

Make You Mine Season 1 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now