Chapter 19

593 25 0
                                    


ART EVEREST

KATABI ko ngayon si Tian Martell dito sa bench na nasa ilalim ng puno. Kanina pa kami tahimik na parang naghihintay sino maunang magsalita. Nahihiya ako magsalita na halos hindi ko nga kayang tignan siya dahil na-starstruck talaga sa sobrang gwapo niya, lalo na ngayong nag gi-guitar siya kahit wala naman sa tuno ang gitara niya.

Biglang nagkasabay kaming lumingon sa isa't isa. "Kumusta?" Natawa nalang kami nang magkasabay din kami sa pagsabi no'n.

Mas lalo tuloy ako nahiya kaya hindi ko magawang tignan siya at nakatingin nalang ako ngayon sa hawak niyang guitar. "Bakit po kayo nag gi-gitara? Para sa bagong movie po ba 'yan sir?" Nakangiting tanong ko.

Napakamot siya sa ulo. "Tian nalang, at 'wag mo na ako i-po, maaga naman akong tatanda n'yan..." nakangiting sabi niya.

"Sabi kasi nila mag po daw sa mga nakakatanda bilang pag bigay-galang, at kahit hindi man kayo matanda napakabuti mo namang artista, kaya deserve mo i-respect." Sagot ko pero tumango naman ako. "Pero sige, Tian nalang ang tawag ko sa 'yo, kasi sabi mo eh..." sabay tawa ko at ganon din siya, halatang tuwang-tuwa siya makausap ako.


"Nag pa-practice ako ng guitar para sa bago kong movie." Muli siya napakamot sa ulo. "Napakahirap pala nito...sana pala dati pinag praktisan ko na 'to. Kaya lang nakakalimutan ko dahil sa subrang busy." Parang pinipilit niya ang sarili na ngumiti.

"Alam mo ba kung sino 'yong mga nasa event center? Mga kasamahan ko 'yon, it's our team for this new movie..." dagdag pa niya at gumulat nga 'yon sa 'kin. "Sa inyo pala 'yon...kung ganon araw-araw ko kayong makikita dito sa HA..." naging abot tenga ang ngiti ko.

"Yes of course..." nakangiting sagot niya at tuwang-tuwa pa rin ako. "Sigurado akong napakaganda ng bago niyong movie, lalo na isang Tian Martell ang bibida...asahan mong papanuorin ko ito..." tugon ko at napangiti din siya habang nakatingin sa 'kin. "Maraming salamat..." pasalamat niya.

Habang muli siya nag practice ng guitar ay dahan-dahan ko naman kinuha ang cellphone ko sa bulsa at kahit nahihiya ay naglakas loob akong sabihin ang gusto ko. "T-Tian, pwede makipag-picture sa 'yo?" Tanong ko at agad naman siya tumango. "Yeah sure..." umayos siya sa pagkaupo at ganon din ako.

Dahan-dahan siya mas lumapit sa 'kin at talagang kumakaba ang dibdib ko sa hiya, parang napansin niya 'yon kaya dahan-dahan niya kinuha sa 'kin ang cellphone at siya na ang nagpicture sa amin habang pariho kaming nakangiti.


Umulit pa siya sa pagkuha ng picture, dahan-dahan siya umakbay sa balikat ko at dahil do'n ay nawala nga ang kaba ko, naging mas comfortable ako sa kanya dahil parang hindi niya pinaparamdam na isa siyang artista, kung titignan ay para kaming magkakaibigan ngayon.

Pagkatapos namin mag picture ay nakatingin pa rin siya sa 'kin. "Kumusta ka pala? Art, alam kong may pinagdadaanan ka, at bilang bago mong kaibigan nakahanda akong tumulong," sabi niya sa 'kin.

Napabuntong hininga ako at natagalan pa bago ako makapag salita dahil parang bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko at hindi ko kayang tignan siya.

"Tian, sobrang idol na idol talaga kita...pero pasensya na, hindi ko pa pwedeng sabihin sa 'yo, dahil hindi pa talaga ako ready mag open up ng problema ko, napakasakit pa rin kais hanggang ngayon..." naging mababa ang tuno ng boses ko.

Make You Mine Season 1 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now