Chapter 6

1.1K 37 2
                                    

TIAN MARTELL

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

TIAN MARTELL

HEARTFUL ACADEMY is the pride of Hearts City. Halos lahat ng tao dito sa city ay nagmamahal sa Heartful Academy. Actually ang Heartful Academy ay may kapatid na pinapatakbo din mismo ng Hearts City Government. Ito ang Hearful Academy University.

Nakatingin kami ngayon ng mga kaibigan ko sa Heartful Academy University, madali lang naman ito makita dahil nasa tabi lang ito ng malawak na parking lot kung saan kami ngayon nag parking.

Ang view palang sa labas ng Heartful Academy University ay maganda na tignan. Mula sa entrance gate nitong kulay maroon at white ang ilang bahagi. Sa itaas na part ng kalsada ay makikita ang napakalaking overpass na nagsisilbing connection sa dalawa.

Gamit ang overpass na ito ay pwede makalabas-pasok ang mga students at staff sa Heartful Academy at Heartful Academy University. Ang mga elementary hanggang senior high students na makikita sa Heartful Academy ay pweding pumasok sa Heartful Academy University na puro mga college. While ang mga college naman ay welcome din sa Heartful Academy.

Pero hindi naman kami sa University papasok kundi sa mismong Heartful Academy. Kaya lumakad na kami ngayon sa pedestrian dahil nasa kabilang side pa ang napakalawak na Heartful Academy na kanina pa namin tinitignan.

The wall outside of this school was painted in sky blue, with white sa ilang parts, kaya naman kahit ilang oras mo pa ito tignan ay hindi sasakit ang mga mata mo dahil napaka-calming nitong tignan na parang nagmamasid kalang sa payapang dagat.

Sa pinakataas naman ay makikita ang sign ng "Heartful Academy" at may kasama pang design na mga hearts bilang kanilang logo.


Nang sa wakas nakapasok na kami sa campus ay bumungad sa amin ang nasa gitna at napakalaking sculpture ni Goddess Dian Masalanta ng Philippine Mythology. Siya ang Goddess of Love, Conception and Childbirth and the Protector of Lovers.

Natatangi siyang sculpture na makikita dito sa entrance area dahil sinisimbulo niya ang love, pag-ibig, pagmamahal, o ano man 'yan, na siya namang nais iparating ng Heartful Academy sa mga tao na puno ng pagmamahal ang paaralang ito.

Full of love daw, kaya baka dito ko siguro makikita ang babaeng nakatadhana para sa 'kin. Hays, nandito lang pala ako para sa movie, hindi ako student dito kaya hindi rin ako magtatagal dito.

Habang naglalakad kami ng friends ko dito sa napakalawak na entrance area ng Heartful Academy ay napapansin namin ang gandang taglay ng school na 'to. Meron itong mga bench sa gilid-gilid na pwedeng upuan at tambayan ng kahit sino.

Nature friendly din ang academy na 'to dahil kahit sa'n ka tumingin ay may mga nag-gagandahang kahoy, at sa ilalim ng puno ay mga students ang nakatambay.

Make You Mine Season 1 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now