First Anniversary Gift: Bonus Scenes

642 13 28
                                    


Today marks a very special day! It's the First Anniversary of Make You Mine! December 08 2022, I will never forget this day, it's the day where I take the risk to write again a romance stories, and I started it with Make You Mine! Who would have though that I once canceled this story, but now succeeding. 

To all my Lovers, hindi ako magsasawang pasalamatan kayo dahil sa pagmamahal na binibigay niyo sa mga stories na sinusulat ko. I write Heartful Academy Series with full of love, and you all give back love to my stories and I thank you for that.

To celebrate the First Anniversary of Tian and Haku's love story, I give you all my promise gift—a bonus scenes! Get ready, dahil muli nila kayong pakikiligin.

•••••••


TIAN MARTELL

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

TIAN MARTELL

UHAW na uhaw na ako sa kakatakbo kanina at tamang-tama na may mineral bottle sa gilid. "Sa 'yo ba ang tubig na 'yan? Akin na ah, nauuhaw na kasi ako," hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad ko na ininom ang tubig.

"Maraming salamat..." wala na akong paki kung iisipin niyang makapal ang mukha ko, ang mahalaga matanggal 'yong pagod ko, kaya hindi ako nagdalawang isip na ubosin ang tubig.

Dahan-dahan ko siyang nilingon at nakatitig pa rin pala siya sa 'kin. Inirapan ko siya ng mata pero biglang pa-simple siyang natawa. "Anong tinatawa-tawa mo dyan?" Inis ko.

"The water you drank, isn't mine. It's from my driver." Dahil sa nasabi niya ay agad kong nailuwa ang tubig na nasa loob pa ng bibig ko at napunta ang mga ito sa mukha niya.

Basang-basa siya ngayon habang nakapikit ang mga mata. Kaya napatakip ako sa bibig at nanlalaki ang mga mata dahil baka magalit siya at kung ano pa magawa sa 'kin. "Naku sorry tol, hindi ko sinasadya..."

Dahan-dahan nagmulat ang mga mata niya at tahimik pa rin siyang nakatitig sa 'kin, kaya mas lalo akong kinabahan dahil baka kung ano na ang tumatakbo sa isip niya.


Pero kahit na kabado ay sinubukan ko pa rin siyang kausapin, dahan-dahan akong mas lumapit sa kanya. "Sorry talaga, sorry..." sa hindi ko maipaliwanag ay para akong nanghihina sa mga mata niya.

Dahan-dahan kong hinaplos ang so soft niyang mga pisngi at pinupunasan para maalis ang mga tubig. "Ikaw naman kasi, ginulat mo pa ako, alam mo namang natataranta ako eh..." mahinahon kong tugon.

Napanganga siya at nakatitig sa 'kin ang nangungusap niyang mga mata. Tila nagiging kalmado ang lahat habang patuloy kong inaalis ang mga tubig sa mukha niya gamit ang kamay ko.

Sa kinikilos ko ngayon ay parang concern ako sa kanya. Hindi ko din alam kung bakit ko ito ginagawa. Pero siguro takot lang ako na magalit siya, hindi ko pa naman siya kilala.

Make You Mine Season 1 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now