Chapter 15

686 30 0
                                    


TIAN MARTELL

NAKATITIGAN ko ngayon si Haku na parang sinapian ng kabaitan, bigla nalang kasi nag iba ang ugali. May hawak-hawak pa siyang ice cream na para daw sa 'kin.

Habang nakatayo siya sa harapan ko ay hinihintay niyang tanggapin ko ang ice cream. Hindi ko pa 'to tinanggap dahil nagdadalawang isip pa rin, palipat-lipat ang tingin ko sa mukha niya at sa hawak niyang ice cream.

Ano kayang binabalak ng lalaking ito? Hindi naman kasi kami ganon ka-close para bigyan niya ako ng ice cream. Napaka feeling close talaga niya.

Kunot-noo akong nakatitig sa kanya. "Paano mo nalamang favorite ko ang chocolate flavor na ice cream?" Tanong ko. "Kasi nga naging fan mo rin ako mula noon hanggang ngayon." Kalmadong sagot niya.

Dahil sa sinabi niya ay para akong natulala. Naging malinaw na sa akin ang lahat, isa lang pala siya sa mga fan ko na gustong mapalapit sa akin.

Bumuntong hininga muna ako at kalmado na akong tumingin sa kanya. Dahan-dahan kong inilapit ang kamay ko sa kamay niyang may hawak ng ice cream at nahaplos ko pa ang malambot niyang kamay at dahan-dahan siyang bumitaw.


Hawak ko na ngayon ang ice cream na special pagkagawa dahil may cherry and sprinkles pa sa itaas nito. Dahan-dahan ko tinakman ang ice cream at halos manlaki ang mga mata ko sa sobrang sarap nito, tuwang-tuwa ako sa lasa nito kaya naging mabilis ang pagdila ko dito habang nakuha ko pang ngumiti.

Natigil ako nang maalalang nakatayo pa pala sa harapan ko si Haku, kaya dahan-dahan ako nag-angat ng tingin at nakita ko siyang nakangiti na parang kanina pa nakatingin sa akin, agad ko siya sinalubongan ng kilay at iniwasan ng tingin.

Ayaw ko sanang kausapin siya dahil naiilang ako pero ang bastos ko naman kung hindi ako magpasalamat sa kanya, kaya pinilit ko ang sarili na lunokin ang pride at tinignan siya. "H-Haku, salamat dito. Salamat sa pa-ice cream mo." Nakaramdam ako ng hiya kaya hindi ko siya magawang tignan ng matagal, paiwas-iwas tingin ako habang patuloy sa pagkain ng ice cream.

Nakita kong parang ang tamis ng ngiti sa labi ni Haku. "Lalo kitang hinangaan dahil sa nakakabighani mong ugali. Nagagalit ka man, pero malambot pa rin ang puso mo. At salamat, dahil hindi ko inasahang pasalamatan mo ako." Hindi ko inakalang naging gentleman siya ngayon, he even talk so gently.

Pero hindi ako nagpadala sa matamis niyang salita, tinignan ko pa rin siya ng masama. "Hindi dahil tinanggap ko 'tong ice cream eh napatawad na kita. Tinanggap ko 'to dahil favorite ko ang chocolate. Pero sa kabila ng masarap na lasa nito, hindi ko pa rin nakalimutan 'yong pinaggagawa mo sa akin." Sinungitan ko pa rin siya dahil deserve niya 'yon.


Napalingon kami kay Sky nang bigla nalang siya tumayo at mukhang malayo ang tingin. Nagtataka ako sa tingin niya dahil parang ang tuwa-tuwa niya sa kanyang nakita. Naging abot tenga na ang ngiti niya, kaya hindi ko na napigilan ang sarili na alamin kung anong nakita niya na nagpangiti sa kanya.

Pagkalingon ko ay nalaman kong sa isang lalaking kalmadong naglalakad pala siya nakatingin. Cute ang lalaki na 'to kahit napaka-seryoso tignan. Mukhang may mahalagang pupuntahan ito, tuloy-tuloy ang lakad nito at hindi pa namamansin kahit ang daming tumitingin sa kanyang nakangiti.

Muli kong nilingon si Sky at parang gusto niya lapitan ang lalaking naglalakad. Halata sa mga paa niya na gusto niyang humakbang para puntahan ang lalaki, pero parang may pumipigil sa kanya, nagdadalawang isip siya.


Bigla siyang napabuntong hininga at nagbakas na ang lungkot sa mukha niya. Nakalayo na ang lalaki at hindi na namin nakita. Gusto ko sanang kausapin si Sky pero biglang tumunog ang school bell kaya napatingin kami sa paligid.

Make You Mine Season 1 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now