Chapter 18

621 23 3
                                    


ART EVEREST

NAKASAKAY ako ngayon sa jeep, hindi naman kami sobrang hirap at may kotse naman kami kaya lang hindi ako marunong magmaniho. Hindi na rin ako mahatid-sundo ni Papa dahil—hindi ko kayang ibigkas ang salitang 'yon dahil masasaktan lang ako.

Kakaiba ang tingin sa akin nang mga kasama ko ditong pasahero, palipat-lipat ang tingin nila sa uniform at mukha ko. "Tinitingin-tingin niyo?!" Inis akong nagtanong sa dalawang mga nanay.

"Kapagtaka-taka lang kasi hijo, halos lahat ng students sa HA nakasakay sa sariling sasakyan at naka sports car pa ang iba, habang ikaw nandito sa jeep nakipagsiksikan..." halos natawang sabi ng matandang babae.

Tinignan ko sila ng matalim para matakot. "Bakit, big deal na ba ngayon ang maiba sa lahat?! Anong mali sa pagsakay ng jeep, hindi ko 'to ikinahiya, mas nakakahiya pa nga 'yang mga itsura niyo!" Pilit ko pang ilapit sa kanila ang mukha kong pikon sa kanila.

"Sana kainin kayo ng uod sa sobrang toxic niyo...opps, mukhang mandidiri yata ang uod sa inyo." Ako naman ngayon ang tumawa sa kanila kaya nakita ko silang natahimik at halos hindi nila kayang lumingon dahil sa hiya na tinawanan sila ng ibang pasahero.

Nakita ko na ang highway sa barangay namin. "Para!" Halos nasigawan ko na ang driver dahil hindi pa rin nawala ang inis ko sa dalawang ante na 'to.

Huminto ang jeep at dahil nasa harapan ko lang ang dalawa ay itinapon ko sa kanila ang pamasahi kong coins bago ako bumaba at hindi naman sila nag react dito, duwag naman pala.

My attitudes really depend on how people treat me. I can be kind and give respect, but only to those deserve it. At hindi nila 'yon deserve. Nasa punto na ako ng buhay na kapag inaapakan na ang pagkatao ko hindi ako titigil makaganti lang ako, dahil sa bwesit na pagsubok na 'to naging matapang ako.


Naglalakad ako ngayon sa pauwi na sa amin at napakaraming tao dito sa barangay namin kaya kahit sa'n lumingon ay may mga taong maiingay nagtatawanan sa labas ng bahay, may mga bata din naglalaro sa kalsada.

Nakita ko mula sa malayo ang napakaraming customers sa isang malaking pwesto na may iba't ibang paninda. Merong snacks tulad ng banana q at pati street foods na proben, balot, fishballs, kikiam, kwek-kwek, tokneneng at palamig. Inihanda na rin ang mga barbeque, isaw, hotdog, longganisa, betamax at marami pa.

Kunting oras nalang kasi gabi na kaya marami ng bibili para gawin nilang ulam. Ang mga negosyo na 'yon ay pagmamay-ari ni Mama at naka pwesto kami sa labas ng bahay namin.

Kilalang-kilala ang negosyo namin kagaya ng sobrang kasikatan ni Mama dito, halos lahat yata ng tao dito sa barangay kaibigan niya, dahil talagang mabuti siya sa kapwa.

Kapatid at relatives lang din namin ang katulong ni Mama sa negosyong ito. Kaya talagang lumago dahil sa pagtutulongan namin magkakapamilya at ang negosyong ito nalang ang bumubuhay sa amin ni Mama mula nong iniwan kami ni Papa.

Habang busy ang mga kapatid ni Mama at mga pinsan ko sa pag-aasikaso ng paninda at customers ay nasa gilid naman si Mama nakaupo at kanina pa ngumi-ngiti habang hawak-hawak ang cellphone.

Napabuntong hininga ako. "Malamang kausap na naman niya ang kabit niya..."nagpatuloy nalang ako sa paglakad.


Nang makalapit na ako sa pwesto namin ay laking gulat ko nang biglang may isang lalaki ang lumapit sa likod ni Mama at dahil busy si Mama sa kakangiti sa cellphone niya ay hindi niya namalayan ang paghablot ng lalaki sa cellphone at itinakbo ito.

Napatayo si Mama na gulat na gulat. "Magnanakawww! Mga kapitbahay, tulongan niyo ako ninakaw ang phone kooo..." pagsisigaw ni Mama.

Hindi na ako tumanganga pa, agad ako tumakbo para habulin ang lalaki at nagulat pa si Mama nang makita ako. Nakaabot na kami sa malayo dahil kahit mabilis akong tumakbo hindi rin nagpapatalo ang lalaking ito na halatang sanay na sanay sa takbohan.

Make You Mine Season 1 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now