Kabanata 1

9.6K 249 35
                                    

Gael Adivino POV

To: Gwapo kong Papa
From: Maganda mong anak
Mico, sabihin mo kay Papa na nakarating na 'ko. Mag-meryenda na kayo, ha.


Text ko sa phone ni Papa, na alam ko naman na kapatid ko rin ang makakabasa. Nakatingin ako sa malaking gate, na aking papasukan, ngumiti ako ng malapad. Bumuntong-hininga ako nang bumukas ang gate, naka-ngiti sa akin ang guard na.

"Ikaw ang bagong kasambahay?" Tanong sa akin nito, hindi matanda ang lalaki. Sa tansya ko ay ka-edaran ko lamang ito.

Ngumiti ako sa kaniya at tumango, sinabihan naman ako nitong pumasok sa loob. Sinarado niya ang gate at sinamahan ako papunta sa likod ng bahay, roon kami dumaan at hindi sa entrada ng mansyon.

Wala pang ilang minuto ay muli siyang nagsalita sa aking tabi, nilingon ko siya at muling nginitian.

"Ako nga pala si Kristopher," pakilala niya sa akin.

"Gael, Gael Adivino." Wika ko at mabilis kong nilahad ang aking palad sa kaniyang harapan, tumigil ako para lang doon. Hinarap din niya 'ko at tinanggap ang nakalahad kong palad sa kaniyang harapan.

Muli akong naglakad, palinga-linga ako sa paligid dahil ang ganda rito. Natanaw ko rin ang malawak na karagatan, aminado akong mayaman ang may-ari nang pamamahay na ito.

Pamilyang Castellanos. . .

"Ang ganda mo kapag ngumingiti," saad niya.

"Ha?" Nilingon ko siya at pakiramdam ko ay namula ang aking mga pisngi.

"Huwag mong aalisin 'yan, Gael," naka-ngiti niyang sabi sa akin, umiwas ako nang tingin at umastang walang nangyare.

Sa hindi mapaliwanag na pakiramdam, namula man ako dahil sa kaniyang pagpuri ay senyales lamang iyon ng hiya at hindi kilig. Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil hindi manlang ako makaramdam ng kilig sa tuwing may mga pumupuri sa akin-- lalo na kung lalaki ito.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ito, nakangiti siya sa akin at alam kong nakikipag-kaibigan lamang ito sa akin, hindi ko rin naman makita sa mga titig niya na may iba pa siyang intensyon sa akin.

"Salamat sa compliment mo pero kasi. . . kasi hindi ako sanay sa mga ganiyan." Diretso kong sabi sa kaniya habang nakatingin dito, natigilan naman siya panandalian dahil sa sinabi kong iyon sa kaniya.

"Bakit? Wala bang nagsasabi sa iyo no'n?" Nagtataka niyang tanong sa akin, nakakunot ang kaniyang noo.

Umiling naman ako bilang sagot sa kaniyang tanong sa akin, saka naman ako nagsalita muli.

"Meron, ang totoo ay hindi lang ako komportable sa ganitong bagay," walang pagdadalawang isip kong sinabi iyon sa kaniya, "lalo na kung hindi ko naman kilala ang nagsabi, nakakailang." Walang halong kasinungalingan ko pang dagdag sa mga unang sinabi ko sa kaniya.

Napabuka ng bahagya ang kaniyang bibig dahil sa hindi niya inaasahang sasabihin ko sa kaniya, ang random kasi ng pagpuri niya sa akin kaya naman ang random ko rin na sinabi iyon.

Nasa gano'n kaming puwesto noong may lumabas na isang matanda sa isang pintuan na mayroon pala sa aming likuran. Isang may edad ng babae ang lumabas sa pintuan, ang seryoso ng kaniyang tingin at sobrang tindig ng kaniyang pagkakatayo.

Dahilan iyon para hindi na makasagot sa akin si Kristopher.

Lumapit siya sa amin at tiningnan ako mula ulo hanggang sa paa, nakakailang ang kaniyang titig at hindi ko itatanggi iyon. Lumipat ang tingin niya kay Kristopher at sinenyasan itong umalis.

Waves of Destruction (Z Series #1)Where stories live. Discover now