Kabanata 20

3.9K 152 143
                                    

Note: HELLO! NAAYOS KO NA ANG CHAPTER NA 'TO EVEN THOUGH MAY MGA WRONG WORDS, PUNCTUATION, GRAMMAR PA RIN AKO. BUT YOU CAN READ IT AGAIN, MAY MGA BINAGO NA 'KO! BUKAS, MAGU-UPDATE NA 'KO NG KABANATA 21!




•    *    *    *    •

“Priscilla. . .” tawag ko sa pangalan niya.

Mula sa kanilang pwesto ay tumigil ang mga ito, mabagal na humarap sa akin si Priscilla at dahan-dahan naman na tumingin sa akin ang kasama nito.

Hindi ko alam ang gagawin ko, para akong natuod sa aking kinatatayuan dahil sa nasaksikahan ko.

Imbes na sagutin niya 'ko o lapitan ay tinalikuran ako nito at masuyong hinawakan niya sa pisngi ang lalaking katabi niya, inalis naman no'n ang tingin sa akin at lumingon kay Priscilla.

“Come back here later, Babe,” ang mapang-akit niyang boses ay mas nagpasikip sa aking dibdib.

Ngunit wala ng mas sasakit pa the way niyang hawakan at kausapin ang lalaking 'to, parang. . . parang hindi niya ito kaibigan.

Babe. . .?

“S-sige,” nauutal na sagot sa kaniya ni Anton.

Nagsimula itong maglakad, ngunit noong tinititigan ko ito ay hindi naman ito makatingin sa akin ng deretso. Hanggang sa makalabas ito ay hindi manlang niya 'ko nilingon, o magpaliwanag manlang ay hindi niya nagawa.

“Gael,” muli kong binalik kay Priscilla ang paningin ko.

Pero wala ng mas masakit pa, sa kung paano niya 'ko titigan ngayon. Wala na 'yong-- wala na iyong pagmamahal sa mga mata niya, kahit anong bahid no'n ay wala na. . .

Sa paraan niya ng pagbanggit sa pangalan ko, hindi katulad sa kung paano niya 'ko tawagin noon. Hindi na siya pareho sa dati, walang lambing, walang pagmamahal.

Umupo siya sa kaniyang kama, may kinuha siyang papel at nagsulat doon. Hindi naman ako makaalis sa pwesto ko, para akong nawalan ng lakas.

Nangingilid na rin ang luha ko, naninikip ang dibdib ko dahil sa nadatnan ko. Kahit wala na rito si Anton, naaalala ko pa rin kung paano nila halikan ang isa't-isa, paano nila yakapin ang isa't-isa. . .

Pagkatapos niyang magsulat doon ay tumayo naman itong muli, nilapag ang papel sa kama. Naglakad siya papalapit sa akin, tiningnan ko naman ang papel na nilahad niya sa harapan ko.

“Take this and never come back,” malamig niyang turan.

Noong hindi ko inaabot ang cheque ay kinuha niya ang kamay ko, saka niya nilagay roon ang papel.

Tumalikod siya sa akin at muling bumalik sa kaniyang kama, dahan-dahan kong tiningnan ang papel sa kamay ko saka iyon nilukot.

“P-para saan 'to. . .?” Mabagal at nanginginig kong tanong kay Priscilla.

Doon lang ako nagkaroon ng lakas para magsalita ulit, doon lang ako natauhan nang tuluyan. Sinundan ko siya, ngayon ko lang din naramdaman ang mga paa ko dahil sa ilang minuto kong pagkakatuod sa may pintudan.

Matapang niya 'kong hinarap, saka niya nilingon ang cheque sa kamay ko na lukot-lukot na. Walang gana siyang umupo ulit, saka muling kinuha ang papel at nagsulat.

Sa pangalawang pagkakataon, inabot niya sa akin at papel. Sa pangalawang pagkakataon, hindi ko rin iyon inabot.

“Kulang pa ba sa 'yo ang 40 thousand?” Tanong niya sa akin, tinanong niya iyon sa akin na parang wala lang ako sa kaniya.

Waves of Destruction (Z Series #1)Where stories live. Discover now