Kabanata 19

3.2K 100 48
                                    

Bla bla bla

-------------------------------

Gael Isabel's Point of View


Naglalakad kami ni Priscilla sa hallway patungo sa kanilang outdoor garden, may garden din naman sila sa loob ngunit dito ko siya dinala.

“Saan ba tayo pupunta?” Tanong sa akin nito.

Mahigpit ang kapit niya sa akin dahil na rin wala siyang makita, ako lang ang umaalalay sa kaniya dahil ang mga palad ko at kamay ay tinatakpan ang kaniyang mga magagandang mata.

“Basta,” tanging sagot ko.

Nakangiti lamang ako, habang hawak ang pulsuhan nito at ang kaniyang baywang. Kunting kamali ko lang ay pwede na siyang matumba. Matutumba siya oras na bitawan ko siya habang nangangapa sa dilim, ngunit bakit ko naman gagawin iyon?

Ingat na ingat ako sa bawat hakbang ko at sa kaniya, bakit ko siya hahayaan na matumba kung naririto naman ako para umalalay sa kaniya.

“Bakit tayo nasa labas?” Tanong nanaman sa akin ni Priscilla, dahil na rin siguro naramdaman na niya ang lamig sa garden.

“Basta,” hindi naman nagbago ang sinagot ko sa kaniya.

“Basta? Again? Psh.” Naka-angat na ang labi nito, naiinis dahil sa paulit-ulit na sagot ko sa kaniya.

Natawa naman ako sa ganoong reaksyon niya, mabilis lang kasi itong maubusan ng pasensya kaya ganito. Moody nga kasi ito, okay lang naman kanina pero biglang magsusungit after.

Nang makarating na kami sa aming destinasyon ay siya naman na sumenyas sa akin ang mga kaibigan nito, pumwesto sila sa kani-kanilang mga toka. Naririto rin ngayon si tita Laura, pinapunta ko siya rito dahil siya ang malapit kay Priscilla.

Sa una ay nagtataka pa si tita, pero in the end ay wala naman siyang nagawa dahil kinausap din siya nila Heather, Anton, at Guadalupe.

Hindi na 'ko nagulat pa noong magkakilala sila, hindi naman kasi iyon posible dahil matagal si Tita Laura sa mansyon ng mga Castellanos.

“1. . . 2. . . ” bilang ni Anton, binabanggit niya iyon ng walang boses.

Ako naman ay umayos din, nagre-ready para sa pag-alis ko sa aking kamay sa kaniyang mga mata.

“Three!” Sabay-sabay na sigawan nilang lahat, mabilis ko naman na inalis ang kamay ko sa kaniyang mga mata.

Kunot ang kaniyang noo, pumikit-pikit pa ito dahil ina-adjust niya ang kaniyang mata sa maliwanag na paligid. Noong ayos na ito ay nagtataka naman itong tumingin sa paligid, tumingin din siya sa akin at mas matagal iyon.

Malapad akong ngumiti sa kaniya, halos parang mapupunit na ang labi ko dahil doon. Humawak ako sa braso niya, muli siyang tumingin sa paligid.

“Happy birthday, Miss Deadpan!”

“Priscilla, wala ka na sa kalendaryo!”

“Happy birthday!”

“Happy birthday, Lady Priscilla!”

Samo't saring mga bati nila kay Priscilla, naka-poker face lang ito noong tumingin siya sa akin.

“Happy birthday, Lady Priscilla,” bati ko rin sa kaniya, ang nakasimangot niyang mukha ay mas sumimangot pa dahil pagtawag ko sa kaniya. Ngumiti naman ako sa kaniya, umaaktong wala akong naiintindihan sa mga tingin niya.

Psh,” tanging lumabas sa kaniyang bibig.

“Tumulong ako ritong mag-decorate. . . Priscilla.” Pagpapaalam ko sa kaniya, pabulong ko namang binanggit ang kaniyang pangalan.

Waves of Destruction (Z Series #1)Where stories live. Discover now