Kabanata 15

4.2K 157 24
                                    


"Saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya.

Kanina ko pa ito tinatanong kung saan kami pupunta, simula bago kami umalis sa mansyon ng mga Castellanos ay iyon na ang tinatanong ko rito. Ngunit hindi naman niya 'ko sinasagot, kung hindi naman ay ngingiti lamang ito sa akin.

"Lady Priscilla, saan nga?" Muli kong wika sa aking pwesto, nilingon niya 'ko at inabot ang aking kamay na nasa aking tuhod.

Muli itong binalik ang kaniyang tingin sa harapan, dahil nga'y ito ang nagmamaneho ng kaniyang sariling kotse. Na para sa kaniya ay isa lamang koleksyon, isa lang sa mga koleksyon niya ang kotse. Marami rin siyang bag, jewelries, clothes, sandals, and of course perfume.

Nakakapagtaka pa ba? Mayaman ito, mula ito sa mayaman na pamilya sa aming lungsod. Sa buong Zambales, sila ang pinaka-kilala at mayaman na pamilya. Kahit na hindi sila parte ng politiko.

Kung tutuosin ay mas mayaman pa ang mga Castellanos kaysa sa mga politiko sa aming lungsod, katulad na lamang noong Mayor namin dito.

"I will introduce you to someone, Gael," nakangiti niyang sabi sa akin, habang may ngiti pa rin sa kaniyang maganda at mala-pusong manipis na labi.

It's been one week since that night happened, the night she claimed me as her girlfriend, as her woman. . .

My forehead furrowed because of what she said, someone who? Kanino niya 'ko ipapakilala? Gusto kong malaman kung saan ba talaga kami pupuntang dalawa.

"Someone? Saan, Lady Priscilla?" Muli ko sa kaniyang pangungulit, natawa naman ito at napailing na lamang.

"Mga taong sobrang importante sa akin," saad niya, habang hinahaplos ang aking palad na hawak-hawak niya, "and please? Don't call me Lady Priscilla when we are alone. I'm not your boss right now, I am your girlfriend. Do you understand?" Sambit niya.

Hindi na niya hinintay na sumagot ako, muli na lamang itong bumaling sa harapan. Napakagat-labi naman ako, tumingin ako sa labas dahil pakiramdam ko ay namumula ang aking pisngi.

Tumango ako kahit hindi na ito nakatingin sa akin, I really still remember that night. . . gabi na hindi ko inaasahan na mangyayare, iyong gabi na sinabi niyang gusto niya na maging girlfriend ko.

Ito rin kasi ang first time kong makipag-relasyon, first time kong magkaroon ng relasyon at sa hindi inaasahan ay sa babae ko pa mararanasan. My first girlfriend is a woman. . .

One week girlfriend ko na siya, ang bilis noong oras. Parang kagabi lamang iyon nangyare, parang hindi pa lumilipas ang pitong araw.

Hindi ko alam kung pano ko siya tatawagin lang sa pangalan niya? Nasanay akong galangin ito, tawagin ito sa Lady Priscilla at hindi lang sa pangalan. Nahihiya ako, baka ay mabastos ko ito.

Pagiging katulong lamang ang kinuha ko, pero hindi sa inaasahan ay pati siya'y nakuha ko.

Ngunit mas nagtaka naman ako dahil sa sinabi niya, na ipapakilala niya 'ko sa mga sobrang importante sa kaniya. Bukod sa kaniyang mga kaibigan at Lola ay sino pa ba ang mga importanteng tao sa kaniyang buhay?

Sino ba ang tinutukoy niya? Kanina pa 'ko nagtataka sa lahat ng kaniyang mga kilos, maging sa kaniyang mga nagiging sagot sa akin. Pala-isipan pa rin sa akin kung sino ba ang mga taong 'yon pupuntahan naming dalawa, na haharapan namin dalawa o ako lang.

Mahalaga sa kaniya ang mga taong iyon, ramdam ko iyon. Bakas din sa mga mata niya, na masaya o excited siyang ipakilala at makilala ko ang mga taong tinutukoy niya, kahit na nagtataka man ay hindi ko na lamang siya tinanong pa muli. Even though sobrang binabagabag ako ng utak ko, pinipilit akong magtanong sa amo slush girlfriend ko na ito.

Waves of Destruction (Z Series #1)Where stories live. Discover now