Kabanata 23

3.3K 171 92
                                    

Alas diyes na ng gabi at wala akong ginawa kundi ang tumingin sa mga bituwin sa langit, nakabukas ang bintana ng kwarto. Haplos-haplos ko naman ang anak ko, para makatulog ito ng mahimbing.

Bumaba ang tingin ko sa anak kong natutulog sa tabi ko, tinigil ko ang paghaplos sa kaniya at tumayo mula sa pagkakahiga sa kama naming kawayan na pinatungan ng foam.

Naglakad ako patungo sa aparador na nasa kuwarto lang din, hindi naman 'yon kalakihan kaya naman agad kong nakuha ang gusto kong kunin mula sa taas nito. Isa 'tong kahon, na matagal ng naririto sa bahay dahil gamit 'to noon ni Kristopher.

Muli akong lumingon sa anak kong mahimbing ng natutulog sa kama namin, lumabas ako ng kuwarto namin at naglakad patungo sa pintuan at saka 'yon binuksan. Umupo ako sa terrace ng bahay, kahoy lang ito at walang semento.

Binaba ko ang box na hindi naman gano'n kalakihan sa mesa na gawa sa kahoy, umupo ako sa upuan at nagpakawala ng malalim na paghinga.

Sinimulan kong buksan ang box at kinuha ang nasa loob no'n. Mula sa mga picture ay kitang-kita ko kung gaano siya kaganda, kahit hindi ito nakangiti ay sobra pa rin nitong ganda. Pero sa kahit anong paghanga ko sa kaniya, hindi pa rin maitatago kung gaano ako nasaktan dahil sa mga salita niya. Kung paano niya 'ko napaglaruan, kung paano niya ako paikutin at lokohin sa sarili niyang laro ay kamay.

Ang ganda ng mukha ni Priscilla na parang anghel, pero sa loob-loob niya ay mas masahol pa siya sa demonyo.

Sa bawat post sa social media na nakikita ko noon habang kinukuha ko ang mga picture niyang ito, ang akala ng lahat sobrang bait 'to. Ang akala ng lahat, nagdudusa ito sa pagkawala ko.

Ang hindi nila alam, baka masaya pa ito. Iyon naman ang gusto niya noong una pa lang, ang mawala ako sa buhay niya. Mabilis naman iyong sinagot ng Diyos, nawala nga ako sa buhay niya.

Pinagkaiba nga lang, siya masaya pa rin sa buhay. Ito ako, nasa lupa pa rin at puro hirap ang naranasan.

Wala sa oras na namasa ang mga mata ko, unti-unting nagsibuhos ang mga luha ko. Ang sakit sa dibdib, sila kuntento sa buhay habang ako nahihirapan.

Nagagawa nilang gumising ng umaga na masaya at walang problema, habang ako nagigising at sobrang hirap bumangon dahil sa paulit-ulit na pagbabalik sa isip ko sa nangyare sa akin.

Hanggang ngayon-- hanggang ngayon para pa rin akong pinapatay at sinasakal sa leeg. Sa tuwing imumulat ko ang mga mata ko, parang nakikita ko lahat ng nangyare sa akin apat na taon na ang nakakaraan.

“You promised. . .” mahinang bulong ko, “sabi mo no one will hurt me again. . . pero bakit nasa ganitong sitwasyon ako? Bakit-- bakit ikaw ang nanakit sa akin. . .?” Pagkakausap ko sa kaniyang litrato, na hawak-hawak ko.

“Sinungaling ka, naniwala ako sa 'yo. . .”

Hinayaan kong tumulo ang mga luha ko, wala naman sigurong masama kung masaktan at umiyak ako ngayon 'di ba? Hindi ko mapigilan, nasasaktan ako. Hindi ko alam kung paano ko pipigilan 'to, kusa ko siyang naaalalala.

Walang araw na hindi nangyare 'yon, araw-araw kong tinatanong ang sarili ko kung bakit naging ganito. Kung bakit nahihirapan ako, kung bakit nararamdaman ko pa rin 'to.

Gusto kong takbuhan lahat, gusto kong makalimutan lahat, gusto ko na lang makalimot at hindi na sila maalala at makilala pa.

Pagod na 'ko, sobrang pagod na 'ko. Gusto ko na lang sumuko at tapusin ang lahat. . . pero hindi pwede, may batang natutulog sa maliit naming kuwarto, sa kahoy naming higaan. Ang batang 'yon ay umaasa sa akin at ang anak ko 'yon, si Dos 'yon.

Simula ng maging ina ako ni Dos, marami akong natutunan. Bawal akong sumuko, kailangan kong magpalakas at magpakatatag, kailangan kong umaktong malakas para sa anak ko. May anak akong babae, kung hindi ko nagawang protektahan ang sarili ko noon ay gagawin ko 'yon kay Dos, gagawin ko sa anak ko 'yon.

Waves of Destruction (Z Series #1)Where stories live. Discover now