Kabanata 10

4.6K 159 64
                                    

Pinapanood ko lang na mag-kwentuhan ang magka-kaibigan na nasa unahan lang namin ni Guadalupe, nahuhuli kaming dalawa at parehas na nakangiting pinapanood ang tatlo.

Nakakatuwang isipin na suwak na suwak silang magka-kaibigan, isang salita ng salita at si Heather iyon. Isang nakikinig lang sa kaniya at sinasang-ayunan siya at si Anton iyon. Ang aking Lady Priscilla naman ay tahimik lang sa tabi nila, walang pakealam sa paligid at nagmumukhang reyna ng daan at paligid dahil sa kaniyang awra at kung paano ito taas noong naglalakad.

“Ang ganda niya 'no?” Biglaang sabi ni Guadalupe.

Mabilis akong tumingin sa kaniya at saka sinundan ang tinitingnan niya, roon ay nakita ko ang kaniyang tinutukoy. . . ang kaniyang maingay at magandang asawa.

Tumango ako sa kaniya bilang pagsang-ayon, hindi naman maipagkakaila na totoo ang kaniyang tinuran. Maganda naman talaga ang babaeng tinutukoy niya, tumingin naman ako sa aking amo, na kahit ang likuran ay sobrang ganda. 

“Oo, maganda nga.” Sabi ko naman.

From my peripheral vision I saw Guadalupe looked at me, I heard her cute chuckle. Humarap ako sa kaniya and I laughed too.

“Iba naman ang tinutukoy mo, e.” Ani nito.

Kumamot ako sa aking batok dahil sa hiya, nahuli lang naman niya 'kong nakatitig sa aking Lady Priscilla. Nakakahiya iyon, lalo na't iba naman ang tinutukoy niyang tao kanina.

“Pero maganda nga si Priscilla,” wala sa oras niyang muling wika, kalaunan ay napangiti ako sa kaniyang sinabi. Tumango ako sa kaniya, tango na nagsasabi na totoo ang sinasabi niya. Maganda nga talaga ito, mula sa paa hanggang sa dulo ng hibla noong buhok niya.

Walang kupas ang kaniyang ganda, nakita ko na ang kaniyang batang mukha. Iyong picture, na tinutukoy ko sa unang tungtong ko sa mansyon ng Castellanos, ang kaniyang pamilya. Iyon ang masayang pamilya noon ni Lady Priscilla.

Kitang-kita ko ang saya sa mga mata niya noong bata pa ito, ngunit sa nakikita ko at palagi niyang binibigay sa lahat ng tao'y naiiba. Malamig at walang kabuhay-buhay sa, iyon ang nakikita ko sa mga mata niya ngayon.

“Matagal mo na rin ba siyang kilala?” Ngayon ay ako naman ang nagtanong sa kaniya.

“Noon sa pangalan ko lang siya kilala at apat na taon ko pa lang siya nakikita.” Simpleng sagot niya sa tanong ko sa kaniya.

Pareho kaming nakatingin lang sa kanilang tatlo, ang cute nilang panoorin at makikita mo talaga na malalapit sila sa isa't-isa. Hindi lang malapit, kundi sobra pa sa sobra. Halata naman iyon sa kanilang mga kilos at kulitan, sobrang komportable sila sa isa't-isa.

Gusto ko rin ang magkaroon ng kaibigan na katulad nila, iyong kukulitin ka kahit wala kang mood. Iyong papasiyahin ka kapag malungkot ka, iyong dadamayan ka sa lahat ng oras.

“Ano ang ibig mong sabihin?” Muli kong tanong dahil sa pagkalito sa kaniyang sagot sa akin.

“Dati, noong nag-aaral pa lang kami ni Jacci sa UP ng QC ay nagkwe-kwento na siya sa akin tungkol sa mga kaibigan niya. Me and Jacci are friends before but before kami i-kasal ay nakilala ko na ang mga kaibigan niya, roon ko nakilala si Priscilla ng personal.” Mahaba niyang paliwanag sa akin, tumango naman ako sa kaniya't muli itong nagsalita, “when I saw her that time, she's so sad. I saw the sadness in her eyes, sobrang lamig din noong mga tingin niya noon. But that all change. . . now." Mula sa huli niyang mga linya ay unti-unti iyong bumagal, hanggang sa unti-unti rin niyang nilipat sa akin ang kaniyang tingin.

Natigilan ako sa paglalakad, maging siya ay ganoon din. Nakipagtitigan ako kay Guadalupe, hindi ko alintana kung nasa daanan kami at makasagabl sa ibang naglalakad.

Waves of Destruction (Z Series #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat