Kabanata 11

4.7K 203 85
                                    

A/N: Let's go na, guys, aarangkada na tayo. 🚕

Dapat talaga kahapon ko rin ito ipu-publish, kaso hindi ko talaga type ang weather ng chapter 11 kahapon. Kaya ngayon na lang! Tara? Aarangkada na tayo.

------------------------------------------------------------------------------

Gael Point of View



Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng art room ni Lady Priscilla, nilapitan kasi ako ni Madam Rosario kanina sa sala habang naglilinis ako at sinabi sa akin na pinapatawag ako ni Lady Priscilla sa kaniyang art room.

Kailangan ko pa ang maglakad papunta sa kaniyang silid na ito, dahil nakahiwalay rin ito sa mansyon katulad na lamang noong garage niya. Hindi naman siya malayo sa mismong bahay, ngunit bawas at nakakasayang ito ng oras dahil sa paglalakad.

Hindi ko naman sinasabi na tinatamad ako, ngunit paano na lang kung may humahanap sa kaniya? Saan siya hahagilapin? Kailangan pa siyang puntahan dito to make sure kung narito nga siya but ended up na wala pala.

Asshhh!

Kung ano-ano ang iniisip ko, masiyado na ba akong malawak mag-isip at mag-imagine?! Kalmahan mo lang, Gael, pagod lang 'yan sa paglalakad papunta sa sinasabi mong malapit lang na art room sa mismong mansyon.

Malayo talaga siya. . .

Nakita ko si Lady Priscilla na inaayos ang kaniyang gamit pang-ukit at pang-pinta, nakatalikod siya sa akin ngunit sigurado akong naramdaman niya ang presensya ko.

Kilala ko na ito, halos magi-isang buwan na 'ko rito't palagi niya 'kong kasama. Alam ko na kung paano siya kumilos, feeling lang siya ngayon at kunwari'y hindi niya 'ko naramdaman.

Umubo ako ng peke, nilingon niya lang ako sandali saka siya bumabalik sa kaniyang ginagawa. Pumasok ako ng tuluyan, pagkapasok ko ay sinara ko rin ang pintuan nitong art room niya.

Nilibot ko naman ang paningin ko sa buong paligid, malawak ito at maganda ang loob. Nakakamangha nga rito sa loob, puro pinta niya lang ang naririto, hindi ko malalaman na siya ang gumawa nito kung hindi dahil sa kaniyang pen name. Sobrang ganda at high quality no'ng mga gawa niya, hindi ko inaasahan na ganito siya kagaling umukit.

“Ang galing mo pa lang mag-paint, Lady Priscilla,” namamangha kong pag-oopen ng topic sa pagitan naming dalawa. “May pintor ba sa pamilya niyo?” Muli kong sabi noong hindi ito sumasagot sa aking wika kanina.

“My dad,” maikli at simple niyang sagot sa akin.

I nodded.

Ang galing din siguro ng papa niya? Tingnan mo naman ang kaniyang anak, napakagaling umukit. Siguro ako, na kung nakikita siya ngayon ng Daddy niya ay proud na proud ito sa kaniya.

My smile faded when I remembered her words, she lost her family. She left alone, si Ms. Margaret at Madam Rosario lang ang nag-alaga sa kaniya. Nalaman ko iyon kay Annie, akalain mo ang tagal na niya sa mansyon pero hindi pa rin siya kilala no'ng amo namin.

Napangiti rin ako kalaunan. Kung wala na ang pamilya niya, habang wala si Ms. Margaret sa tabi niya ay ako naman ang magpaparamdam sa kaniya, na safe siya sa akin at ako na lang muna ang magpapasaya sa aking Lady Priscilla.

Ginagawa't sinasabi ko lang ito kasi ako ang Personal Maid niya, ako rin ang nakakasama niya.

Pinatawag mo raw po ako?” Ngayon ko lang naalala muli kung bakit ako naririto sa kaniyang art room.

Waves of Destruction (Z Series #1)Where stories live. Discover now