Kabanata 16

4.6K 137 71
                                    

Isang tao ang nagbukas ng gate na amin naming papasukin, hindi ko alam kung kaninong bahay ito at bakit kami naririto ngayon ni Priscilla.

Hapon na noong umalis kami sa sementeryo, ang buong akala ko ay babalik na kami sa kanilang mansyon ngunit nagkamali ako. Imbes doon kami dumeretso ay hindi iyon ang tinungo namin, ibang daan ang tinahak namin at ngayon ay naririto na kami.

Tinanong ko siya kanina kung saan kami pupunta, ang naging sagot lang niya ay sa bahay namin dalawa. Kung saang lugar ito? Walang iba kung hindi Nueva Ecija. 

Pagkatapos niyang iparada ang kotse sa garahe ay nauna itong bumaba, inalis ko ang aking seatbelt at nakita ko naman itong umikot at pumunta sa pintuan nitong kotse. Pinagbuksan niya 'ko nang pintuan, na naging dahilan ng aking lihim na pagngiti.

Bumaba ako sa kotse at tumingin sa kaniya, hinawakan naman niya ang aking kamay at pinagsalop iyon saka kami pumasok sa bahay na aming kinatatayuan.

The truth is malaki rin ang bahay na ito, hindi gano'n kalaki katulad sa Castellanos Mansion pero lumalaban din ang bahay na ito na may dalawang palapag.

Kung sa mansyon ng mga Castellanos ay puro puti at ginto ang kulay? Rito naman ay grey at puti naman. Iyong hagdan naman ay kulay kahoy talaga na ang desenyo ay kahoy rin.

Pagpasok mo pa lang ay sobrang ganda na ng dating, ang sala nila ay napakalinis. Kapag nasa second floor ka naman ay kitang-kita mo ang buong sala, open na open ang taas kaya kitang-kita mula sa second floor ang kanilang first floor sala. Pa-box ang design no'n, which is sobrang ganda dahil sobrang moderno at halatang luxury pa ito.

Aling Beth?” Malamig at seryosong tawag ni Priscilla sa matanda kanina.

“Bakit po, Lady Priscilla?” Magalang na tanong nito sa taong tumawag sa kaniya, na walang iba kundi si Priscilla pa rin.

“Go home for a while,” ani Priscilla.

“Pero may gagawin pa ho ako rito, Lady Priscilla.” Tanggi naman ng matandang kausap ni Priscilla, pinapanood ko lamang silang dalawa.

“I'll take care of it.” Mabilis na sagot ni Priscilla.

“Per--”

“Do what I've said. I'm still your boss,” pagputol ni Lady Priscilla sa sasabihin noong matanda, ang boses niya ay nagpapaalam na dapat siya nitong sundin.

Nag-aalinlangan ang matandang kausap niya, ngunit kalaunan ay ngumiti na lamang ito nang pilit at tumango sa kaniya. Bago ito umalis sa aming harapan ay tumingin muna ito sa akin at binigyan ako ng isang ngiti, bumawi naman ako sa kaniya.

Umalis ang matanda sa harapan namin, hinarap naman ako ni Priscilla at nginitian ako. Ngumuso ako sa kaniyang harapan at nagtaas ng kilay, nananatiling nakanguso ako.

“Bakit?” Tanong niya.

“Bakit mo naman kinausap nang gano'n iyong matanda?” Ang kaninang nguso ay naging pagtaas na nang labi, pinaparating na hindi ako natuwa sa kaniyang ginawa kanina lang.

“Anong mali sa pakikipag-usap ko sa kaniya?” Ang boses niya kaninang malamig at matapobre ay naging mahinahon na.

Ang soft nanaman noong boses niya, hindi na siya mataray magsalita ulit. Which is ginagawa niya lang sa tuwing kaming dalawa lang ang magkasama, ngunit kapag may iba na ay nagiging malamig nanamn ang kaniyang boses.

Ganoon ang senaryo namin sa kanilang mansyon, sa totoo niyan ay ako ang nakiusap sa kaniya no'n. Noong una ay ayaw niya, hindi siya pumayag. Ngunit kalaunan ay napapayag ko rin ito, hindi natapos ang araw na iyon na hanggang hindi ko siya napipilit.

Waves of Destruction (Z Series #1)Where stories live. Discover now