Kabanata 5

4.8K 202 86
                                    

Kahapon pa umalis si Ms. Margaret, kahapon ay bumyahe na ito papuntang Cebu. Malayo-layo ang kaniyang byahe, ngunit kahit aalis na ito ay hindi nagpakita ang kaniyang apo sa kaniya. Hanggang sa makaalis ito ay walang Priscilla ang nagpaalam sa kaniya.

Nasa library ako ngayon, hindi. Nasa library kami ngayon ni Lady Priscilla, tahimik lamang itong nagbabasa sa isang gilid. Habang ako ay tahimik din, tahimik na pinapanood siyang magbasa ng hawak niyang libro.

Sa katunayan nito'y ilang oras na kami sa loob ng aklatan na ito, pero kahit anong pagkabagot sa mukha ni Lady Priscilla ay wala akong makita. Tambak na ang mga libro sa lamesa, ngunit hindi niya iyon binibigyan ng atensyon.

Imbes na hayaan ko ang sarili ko na ma-bored pa lalo ay naisipin ko na lang ang maglibot-libot sa loob, napansin ko lamang ang isang bagay sa loob ng aklatan na ito. Makaluma ang datingan nito, mula sa purong brown na mga dingding, shelf, upuan, at iba pa. Dalawang palapag ang mayroon ang library na ito, ang pangalawang palapag ay kung saan may mesa at mga upuan. Ang kulay ng ilaw rito ay dilaw. Hindi naman masakit sa mata, ngunit talaga nga naman na mas pinagmukhang makaluma ang library.

Ang hagdan ay may paliko pa paakyat bago ka makapunta sa second floor nito. Ang unang hagdan ay may pitong hakbang, habang ang katuloy nito ay mayroong anim na hakbang.

I did not expected na may ganito pala sa mansyon, I did not know that library like this was existing inside of these mansion. What a surprise right.

"Where are you?" Narinig kong saad ni Lady Priscilla.

"Naririto lamang po sa baba, Lady Priscilla," sagot ko sa kaniya.

"Come here," ito nanaman ang sikat niyang linya sa akin, ito ang palagi niyang sinasabi kapag wala ako sa kaniyang tabi.

Tumango-tango ako habang kagat ko ang aking labi paloob, magkahawak kamay ang mga kamay ko sa aking likuran saka ako naglakad. Mabagal iyon dahil patuloy pa rin ako sa paglilibot ng tingin sa loob ng aklatan, nakakamangha talaga. Para kang nasa kabilang dimension mansyon, ibang-iba sa modernong disenyo ng bahay na ito.

Pagkarating ko sa kaniyang harapan ay hindi manlang niya 'ko tinapunan ng tingin o sulyap, nakatutok pa rin siya sa kaniyang binabasa.

Ang tanging ingay na naririnig ko ay ang pahina ng libro, na hinahawi niya pagkatapos sa naunang pahina. Kung ako ang tatanungin, hindi ako mahilig sa pagbabasa.

Maraming minuto ang lumipas bago niya ibaba nang tuluyan ang librong hawak niya, nakita ko ang librong hawak niya kanina, na may pangalan na Breaking Winter. Sulyap lamang ang ginawa ko, bago ako muling tumingin sa kaniya.

Nagulat ako dahil nakatingin ito sa akin, pinapanood nanaman niya 'ko. Sa makalipas na isang linggo ay ako ang lagi niyang kasama, at sa loob ng isang linggo na iyon ay puro gulat, kaba, at ilang lamang ang aking nararamdaman. Sa isang linggo rin na ito'y palagi niya 'kong kasama, palagi akong nakasunod sa kaniya dahil utos niya 'yon.

Naaalala ko pa ang sinabi niya sa akin.





"Always stay to my side or I will tell to my grandmother that I will not give you your salary?






Kaya sinunod ko siya.

Palagi akong nagugulat sa mga tanong nito sa akin, palagi akong kinakabahan sa tuwing lalapit ito sa akin, labis ang ilang na nararamdaman ko tuwing magkakatitigan kaming dalawa.

"Woman is also have a chance to fall inlove to a woman." Out of the blue ay biglang sinabi niya iyon sa akin.

Parehas kong tinaas ang aking mga kilay dahil sa pagtataka sa kaniyang sinabi, wala rin naman siyang balak magsalita. Hinihintay ang magiging sagot ko sa kaniyang sinabi, bumubuka ang aking mga labi pero muli ko rin iyong sinasara. Naghahagilap ako ng isasagot sa kaniya, hindi ko matukoy kung ano ang nais niya iparating sa akin.

Waves of Destruction (Z Series #1)Where stories live. Discover now