Kabanata 24

3.3K 154 88
                                    

“Annie, kailangan ko ng umalis.” Paalam ko kay Annie pagkatapos namin ayusin ang handa para sa may birthday.

Naghahagus ito ng kaniyang kamay at nilingon niya 'ko pagkatapos niyang maghugas, puno ng pagtataka ang bumuhay sa kulay itim niyang mata.

Walang pagda-dalawang isip akong ngumiti sa kaniya.

“Aalis ka na agad?” Tanong naman niya sa akin, tumango naman ako bilang sagot sa kaniya. “Hindi ka manlang ba magpapakita sa kaniya?” Pagtukoy naman niya kay Priscilla.

Umiling ako agad.

“Hindi na. . .” sagot ko naman sa kaniya.

“O sa kanila manlang? Hindi mo manlang ba babatiin si Heather? Siya ang may birthday ngayon,” sa boses niya ay may pamimilit na magpakita ako sa mga taong naririto sa birthday ni Heather.

Ngayon ay alam ko na kung sino ang may kaarawan ngayon, hindi ko alam na ngayon ang araw ng kapanganakan ni Heather since hindi naman kami gano'n nagkasama noon.

“Kailangan ko ng umalis, Annie. Marami pa 'kong gagawin sa bahay,” tanggi ko naman sa alok niya.

Ang totoo niyan ay wala naman akong gagawin, si Dos naman ay panigurado na si Ace ang mag-aalaga sa kaniya pagkauwi namin. Ang totoo kong rason, hindi pa 'ko handa.

Hindi pa 'ko handang makita sila ulit, apat na taon na ang nakakalipas. Alam kong gusto ko rin silang makita ulit, pero hindi pa siguro ngayon. Hindi pa 'ko handang makita ulit si Priscilla, nawawalan ako nang lakas ng loob.

Hindi naman sa hindi ko gustong makita siya, pero hindi ko pa kaya. . .

Pakiramdam ko hindi ako makakawala sa kaniya, pakiramdam ko mahihila lang ako pabalik. Alam ko sa sarili kong mahal ko si Priscilla noon, sobrang-sobra. Hindi ko itatanggi na hanggang ngayon ay mayroon pa rin, iyon ang rason kung bakit hindi ko pa siya gustong makita.

Kapag ayos na 'ko, kapag kaya ko na ulit siyang harapan ay siguro mahaharap ko na siya ng taas noo.

“Hindi mo ba gustong malaman nilang buhay ka?” Wika nanaman ni Annie.

Hinawakan ko siya sa braso.

“Gusto, pero isipin mo munang inakala nilang wala na 'ko gaya mo. Sigurado ako na magugulat sila, baka matakot pa sila na ang akala nilang patay na ay buhay pa pala.” Paliwanag ko naman sa kaniya.

Hinawakan niya 'ko sa mga palad ko, pinaloob niya ang mga kamay ko sa palad niya.

“Pero magiging masaya sila, sobrang lungkot nila noong nawala ka.” Pamimilit pa ni Annie sa akin.

Imbes sagutin pa o labanan ang sinasabi niya sa akin ay umiling na lang ako, ngumiti ako sa kaniya ng bahagya at muling umiling sa kaniya.

Hindi ko pa talaga kaya.

Nakuha naman niya agad ang pinaparating ko, ngumiti na lang din siya sa akin at niyakap ako kaya niyakap ko siya pabalik.

“Ihahatid na kita sa labas, alam ko ang labasan kung saan hindi ka nila makikita.” Hinawakan niya ang kamay ko pagkatapos niyang sabihin 'yon.

Isang matamis na ngiti ang binigay ko sa kaniya dahil doon, hinawakan niya 'ko sa braso at sinimulan akong hilain palabas ng kusina. Sinilip pa nito ang paligid namin bago kami nagpatuloy sa paglalakad, malaki ang lugar na 'to.

Ngayon din ay nalaman ko na kung kaninong resort ito.

“Next week aalis ako, I will visit our business in Cebu.”

Waves of Destruction (Z Series #1)Where stories live. Discover now