Kabanata 22

3.3K 136 133
                                    

Nakasakay ako sa bangkang para makabalik na sa bahay ko, may hawak-hawak akong plastic na may lamang candies para pasalubong sa isang taong mahalaga sa akin.

Wala sa oras akong napangiti noong maalala ang taong 'yon, siguradong masaya siyang makita ulit ako at makita't makuha ang pasalubong ko para sa kaniya. Bago ako umalis kanina ay umiiyak pa siya dahil hindi ko maisasama sa pupuntahan ko, mabuti na lang at may nag-aalaga sa kaniya ngayon.

Habang nasa bangka ay natanaw ko na ang isla kung saan ako nakatira, nasa isla na 'to ang taong kanina pa 'ko hinihintay.

Mas lumawak naman ang ngiti sa aking labi dahil kahit ilang oras lang akong nawala kanina ay sobra ko na itong nami-miss, gusto ko na agad siyang mayakap.

Grabe ang pagod ko kakahanap ng trabaho sa bayan, pero wala pa rin akong nakukuhang trabaho. Lahat ay walang bakante, kung ako lang ang papapiliin ay ayos na 'ko sa paglalaba lang pero hindi naman ako kumikita ng sobra doon kaya kulang pa rin sa pang-araw-araw namin.

"Kuya Oscar, ito po ang bayad ko." Tawag pansin ko sa may-ari ng bangka.

Habang bumababa ang mga kasama kong pasahero nito ay nilingon naman ako nito, ngumiti siya sa akin at inabot ang trenta pesos kong pamasahe. Sa totoo niyan ay sobra akong nahihiya dahil singkwenta dapat ang pamasahe, pero gipit ako kaya wala akong gano'n kalaking perang dala.

Kung may pera man ako, nakatabi naman 'yon para sa susunod na pasukan.

"Pasensya na po dahil wala akong pangbayad sa inyo," nahihiyang ngumiti ako sa kaniya.

Tinulungan naman ako nitong bumaba at nginitian din ako nito pabalik, ginulo niya ang buhok ko at inayos ang kaniyang bangka.

"Hindi problema 'yon, para na kitang kapatid kaya alam kong wala kang pera sa ngayon." Ani naman niya, ngumiti akong muli sa kaniya.

"Salamat. . ." sabi ko.

Iwinestra naman niya ang kamay niya na para akong tinataboy, natawa naman ako dahil doon.

"Umuwi ka na, kunin mo na siya kay Ace. Paniguradong kanina ka pa no'n hinihintay," pagtataboy niya sa akin.

Tumango naman ako at naglakad na palayo kay Kuya Oscar, ang tinutukoy niyang Ace ay ang kapatid niyang babae. Gaya ng sabi nito ay para na ako nitong kapatid, sila ang tumulong sa akin noong walang-wala ako.

Sila ang naging pamilya ko sa nakalipas na apat na taon. Sila ang nasa tabi ko, noong mga panahong lugmok ako.

Habang naglalakad ako ay naalala ko kung bakit ako nasa lugar na 'to, sa Cebu.

"Maayong hapon, Issa!" Sigaw sa akin ng isang matanda mula sa kanilang kusina, na open ang bawat gilid.

Sa disenyo pa lang ng mga bahay sa isla na 'to ay malalaman mo na talagang hindi mayayaman ang taong naririto, isa pa sobrang ganda tingnan dahil para kang nasa probinsya.

"Maayong hapon sab kanimo, Aling Jessa!" Bawi kong bati rito.

Muli akong nagpatuloy sa paglalakad, hanggang sa makita at malapit na 'ko sa bahay nila Kuya Oscar.

Pumasok ako sa bakod ng kanilang bahay, sa kubo naman ay nakita ko si Nanay Pamela, siya ang magulang ni Ace at Kuya Oscar. Ngumiti naman ako sa kaniya at lumapit.

"Mano po, Nay Peng." Nagmano naman ako sa kaniya.

"Kaawaan ka ng Diyos, Issa." Hinaplos niya ang pisngi ko at muling nagpatuloy sa pag-alis ng mga bato sa bigas, "kumain ka na ba?" Tanong niya sa akin.

"Ahh-- hindi pa po," sagot ko sa kaniya.

Nilingon niya 'ko panandalian at muling pinagtuonan ng pansin ang ginagawa niya.

Waves of Destruction (Z Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt