Kabanata 18

3.7K 123 22
                                    

"We can stay here pa naman," sabi sa akin ni Priscilla.

Babyahe na kami pabalik sa Zambales, kanina pa niya 'ko pinipigilan sa gusto ko. Gusto niya ay rito muna kami, kahit ilang araw pa. Sinasabi niyang gusto niya pa ng quality time, sobrang daming oras na naming magkasama at naubos.

Mula sa pagtingin sa labas ng kotse ay nilingon ko siya, na ngayon ay nagmamaneho at binabalingan din ako ng tingin.

"Mag-iisang linggo na tayo rito, Priscilla. May trabaho rin ako, na dapat kong asikasuhin." Mahinahon kong sagot sa kaniya, ilang araw na kami rito sa Nueva Ecija.

Tinawagan na rin ako ni Madam Rosario, nagtataka na sila kung bakit wala ako sa mansyon ng ilang araw. Hindi ko naman alam ang isasagot ko sa kanila, gayoong pribado pa ang aming relasyon ni Priscilla.

At isa pa, kailangan kong tumulong sa mga kaibigan niya sa pagpa-plano sa kaniyang dadating na kaarawan. Hindi puwedeng wala akong tulong, girlfriend ko pa rin siya.

"You can have a lot of day off," nasa tono pa rin niya ang pamimilit sa akin.

"Eh?" Nakangiti kong sagot sa kaniya.

Tumango naman ito nang paulit-ulit, parang bata na bumabaling sa akin.

"She's scared that her girlfriend get tired," maamo niyang sagot sa akin, nakatingin sa harapan at babalingan at tatapunan din ako agad ng tingin.

"Trabaho ko naman 'yon bilang kasambahay," bawi ko naman sa kaniya.

Umiling-iling siya habang nakanguso, "No! Aside from that, your boss is your girlfriend," ani pa ni Priscilla, habang sinasabi niya ang mga iyon ay inosente siyang tumitingin sa akin.

"Nagtataka na rin sila kung nasaan ako, pati ikaw ay hinahanap na rin nila." Pangungumbinse ko sa kaniya, mas ngumuso naman ito kaya natawa ako ng tuluyan.

"I am their boss, and I have the right to go wherever I want." Masungit niyang sagot sa akin, normal na normal na sa akin.

Halos lahat na ata ng side niya ay nakita ko na; seryoso, masungit, moody, isip bata, makulit, wild, at mabait.

"And I am your maid din," sagot ko naman.

"And my girlfriend," mabilis na sagot niya sa akin.

"You are my boss," ayoko rin naman ang magpatalo.

"Also your girlfriend!" Hindi na maipinta ang mukha niya, nakanguso at naaasar sa akin nang lubos.

"Huwag ng maraming dada, tara na." Tumatawa kong suko sa kaniya, hindi puwedeng parehas kaming mataas ang pride. Walang susuyo, kapag nagkataon ay mag-aaway pa kaming dalawa.

Simula nang magsimula kaming dalawa ay hindi pa kami nag-aaway, ni pagtatalo sa maliit na bagay ay hindi pa namin nagawa. Masiyadong caring sa akin si Priscilla, kahit nga ay makagat lang ako ng langgam sa kanilang bakuran ay grabe na ito mag-react.

Akala mo ay sinaksak ako, na iyon na ang huling sandali ko. Umiyak din ito, the worst is pinatay niya ang langgam at ang mga iba pa nitong kasama.





"Ahh!" Angil ko noong may kumagat sa aking paa. Mabilis na tumingin sa akin si Priscilla, sinabi ko naman agad sa kaniya na kinagat ako ng langgam.

"D-damn, is your feet hurts?" Naluluha niyang tanong sa akin.

"Huwag kang umiyak, langgam lang naman ang kumagat sa akin." Tumatawa kong saway sa kaniya, umiiyak na ito at palinga-linga sa paligid.

Waves of Destruction (Z Series #1)Where stories live. Discover now