Kabanata 28

2.8K 101 58
                                    

Pumasok ako sa kuwarto at nadatnan ko si Priscilla na gising na, nakaupo ito sa kama habang nakatakip sa kaniyang katawan ang kumot, ngumiti naman siya noong makita ako.

Hindi ko iyon ginantihan, bagkus ay nilapag ko sa kama ang pagkain na hinanda ko sa kaniya.

"Kumain ka na," saad ko.

Ngumiti muli siya at kinuha ang pagkain niya habang nakatapis pa rin sa kaniya ang kumot.

"Salamat," turan niya, sumubo ito at saka ngumuya. Bawat pag-nguya niya ay nakatitig lamang ako sa kaniya.

Naalala ko ang unang beses na kumain siya ng luto ko, ngunit ang pinagkaiba'y nakangiti ito habang kumakain habang noon ay sobra lamang nitong seryoso. Nakangiti itong humarap sa akin, tumatango-tango pa.

"Nothing changed, sobrang sarap mo pa rin magluto." Komento niya sa aking niluto.

"Sopas lang naman 'yan." Bawi kong sagot sa kaniya.

Halos mapamaang ito.

"Lang? Ang sarap nga e," hindi nagpapatalong sagot niya.

"Hmm, kumain ka na lang." Utos ko sa kaniya, ngumiti ito sa akin at halos mawala na ang kaniyang mata dahil sa lawak ng kaniyang ngiti.

Nagpatuloy si Priscilla sa pagkain, noong matapos ay apat na beses pa itong dumighay na parang busog na busog talaga sa aking niluto.

Sa kung tutuosin ay hindi naman gaanong nakakabusog 'yon, pero dahil siya si Priscilla Castellanos ay OA ito. Lahat na lang ng galing sa akin ay masarap, masarap, at sobrang sarap.

Bigla at sumeryoso ito at ngumisi habang nakayuko, humarap siya sa akin at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa aking hita.

"Can I ask...?" Nahihiya niyang ani.

Tumango lang naman ako.

“Iyong kagabi-- sino ang tatay ni Dos?" Tanong niya sa akin, nagulat man ako'y hindi ako natigilan. Alam ko naman na magtatanong ito sa akin, at mukhang ngayon na ang araw na iyon.

“Hindi na importante 'yon,” agaran kong sagot sa kaniya.

“I-- I just wanna know...” nahihiya niyang sagot sa akin, marahil dahil sa hiyang nararamdaman.

“Si Kristopher, siya ang tatay ni Dos.”

“Oh...”

“Hmm...”

“May naging... relasyon kayo?” Tanong nanaman nito sa akin.

“Wala kaming naging relasyon,” agad ko naman na komento sa kaniya pabalik.

“Kung wala, paano nabuo si Dos...?” Sa sinabi niyang iyon ay ramdam at dinig ko ang pait sa kaniyang boses.

“Nasabi ko na kagabi,” wika ko.

“Oo, pero hindi malinaw...” agaran niyang sagot sa akin.

Nilingon ko siya at nakatitig lang din ito sa akin, hindi ko pinutol ang tingin sa kaniya. Mas pinalalim ko iyon hanggang siya na mismo ang pumutol nang aming titigan.

Palihim akong napangisi.

“Hindi malinaw o hindi mo lang kayang tanggapin?” Makabuluhan kong tanong sa kaniya.

Wala akong nakuhang sagot sa kaniya at sapat na iyon sa akin para malaman ang kaniyang sagot, hindi niya magawang tanggapin ang aking sinabi sa kaniya kagabi.

Kagabi ay kitang-kita ko ang sakit na dumaloy sa kaniyang magagandang mata, roon pa lang ay napatunayan ko ng mas nasaktan ito kaysa sa akin. Hindi talaga niya kayang tanggapin, na may ibang humawak sa akin maliban sa kaniya.

Waves of Destruction (Z Series #1)Where stories live. Discover now