Kabanata 31

3.1K 96 9
                                    


7 months has passed, ginawa ni Priscilla ang lahat para bumalik ang tiwala ko sa kaniya. Kahit nasira ko rin ang tiwala niya ay mas inuna niyang intindihin ang tiwala ko na gusto niya ulit makuha, wala siyang ginawa kundi ang pumunta rito sa bahay para asikasuhin hindi lang ako kundi pati na rin ang kaniyang anak na si Dos.

Sa tuwing titingin siya sa akin, ang tanging nakikita ko lang ay ang mga mata niyang sinsero, ang mga ngiti niyang umaabot sa kaniyang mga mata sa tuwing kasama niya kaming dalawa ng anak niya.

Napanood ko kung paano niya ipakita at iparamdam sa aming dalawa na mahalaga kami sa kaniya, na handa siyang pasukin pa lalo ang aming buhay para maging isang buong pamilya kami.

Ang mga mata niyang kumikinang kapag titingnan ako, ang mga mata niyang sobrang nag-aalala kapag may sakit si Dos. Sobrang showy and vocal na nito. Mabilis lang sumaya si Priscilla at iyon ang alam ko matagal na.

Kung dati ay ako lang nakakagawa no'n ngayon ay kasama na roon ang anak niya, walang ni isang araw na hindi siya pumupunta rito sa bahay. Si Dos ay nasasanay na sa presensya ni Priscilla, ang hiling ko lang ay sana huwag pati anak ko ay saktan niya.

Pinapanood ko si Dos at ang mga kapatid kong nilalaro ang kanilang unang pamangkin, katabi ko si Papa at gaya ko'y pinapanood din niya ang kaniyang unang apo. Ang aking panganay na anak.

Si Heather naman ang tumulong kay papa para makakita ulit, may donor noon kaya naman muling nakakita ang mahal naming ama.

“Noong mga panahong wala ka, palagi rin dito si Priscilla.” Biglaang kwento ni Papa, tumingin ako sa kaniya panandalian at nilingon muli ang anak Kong masayang nakikipaglaro sa mga tito niya.

“Wala siyang ginawa kundi ang palaging humiga sa kama mo, randam na randam ko ang pangungulila niya sa anak kong babae.” Patuloy ni tatay, kahit na nasa anak ko ang paningin ko ay nasa aking ama naman ang aking pandinig. May puwang sa puso ko na gustong marinig ang kwento ni Papa, kung ano ang nangyare kay Priscilla noong panahong wala ako. “Binalak kong sabihin sa kaniya na buhay ka, kasama ang anak niya. Hindi ko tinuloy ang balak na iyon,” tumigil si papa sa pagsasalita at naramdaman ko ang paglingon niya sa akin.

“Bakit ho hindi niyo sinabi?” Tanong ko sa kaniya.

“Dahil alam kong nasaktan niya ang puso ng anak ko.” Mabilisang sagot sa akin ni Papa, agad akong tumingin sa kaniya at naabutan ko itong nakangiti sa akin.

Hinawakan ni Papa ang kamay ko saka iyon hinaplos, ngumiti siya sa akin at saka rin nito hinaplos ang aking nakalugay na buhok.

“Alam ko na naaawa ako sa batang iyon ngunit mas nanaig sa akin ang kagustuhan na hayaan kang mag-desisyon sa iyong sarili, hindi ako nangealam dahil alam kong dadating din ang oras na ito-- ang mapatawad mo ang babaeng minsan ay minahal mo.” Sa sinabi niyang iyon ay nag-ulap ang paningin ko, pinunasan ni Papa ang pisngi ko. “Marahil ay nagkamali nga talaga si Priscilla, ngunit nagkamali ka rin. Isa sa mahalaga sa isang relasyon ay ang pakikinig sa isa't-isa, roon ay nagkulang kayo. Dahil nasaktan ka niya ay nasaktan mo rin siya.” Komento pa niya.

Alam kong nagkamali ako, pitong buwan na ang nakakaraan noong magkita kaming muli ni Priscilla. Sa nakaraang iyon, hindi rin ako kinausap ni Papa about sa nangyare sa aming dalawa ni Priscilla.

“Papa. . .” tawag ko sa kaniya, nasa boses ko ang gustong kumuha ng lakas kay papa.

Hindi naman ako nabigo dahil niyakap ako nito agad, hinaplos niya ang likod ko kaya mas lalo akong napahagulgol sa kaniyang balikat.

“Mahal ka ni Priscilla at alam ko na mahal mo pa rin ito,” pahayag ni papa, mas sumiksik ako sa kaniya, gusto ang kaniyang comfort. “Ngunit ang tanong, napatawad mo na ba siya?” Walong salita lamang iyon ngunit nahirapan akong sagutin.

Waves of Destruction (Z Series #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ