Kabanata 8

5.2K 156 57
                                    

Dadating ang mga kaibigan ngayon ni Lady Priscilla, kaya naman ang head namin ay pinapaasikaso na ang mga meryenda para sa kanila, lumapit si Madam Rosario. Balik sa dati ang trato niya sa akin, seryoso tumingin. Ibang-iba ang ugali at pinapakita nito sa akin sa oras ng trabaho at sa gabi.

Ilang araw na ang lumilipas noong gabi, na sinabi niya sa akin ang mga impormasyon patungkol sa aming amo na si Lady Priscilla.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka-get over sa nalaman ko, hindi ko alam na nagawa ko iyon sa kaniya. Ang maging malambot, ang makipag-socialize muli sa ibang tao.

“Tawagin mo na si Lady Priscilla, nasa labas na ng mansyon ang mga kaibigan niya,” bigay utos sa akin ni Madam Rosario, na tinanguan ko naman.

“Opo, Madam Rosario,” ani ko.

Tumalikod ang sa kaniya at sinunod ang kaniyang utos, naglakad ako paalis sa sala upang umakyat sa pangalawang palapag ng malawak na mansyon na ito.

Ang kulay puti na nahahaluan ng itim na kulay, ang kulay gintong railings na may densenyong bulaklak at dahon, ang pa-curve na hagdan na kailangan lakarin ng sobrang daming hakbang. Ang magandang white marble tiles at staircase ng mansyon ay ang mas nagpakita, na talaga nga naman na sobrang mayaman ang pamilyang Castellanos.

Sa hagdan pa lamang ay nagmumukha na itong palasyo. Hindi mansyon, kundi palasyo. . .

Napa-swerte nga naman ni Lady Priscilla, dahil siya ang apo ni Ms. Margaret. Nakukuha niya ang kaniyang gusto, maraming pera, katulong, damit, at marami pang iba.

Kapag naka-akyat ka naman sa second floor ay muli ka lamamg mamamangha, ang kulay puting dingding, ang gold marble tiles. Ang kurtina na kulay puti, ang chandelier na nasa living room ay kulay ginto ang kulay. Sa madaling salita, lahat ng furniture sa living room ng second floor ay ang makikita mo lamang ay kulay puti at ginto. 

Kumatok ako sa kwarto ni Lady Priscilla, katulad lamang din noon ay hindi nanaman ito sumagot sa akin o sinabihan akong pumasok na. Sinubukan konh buksan ang pinto at sa mabuting palad ay bumukas naman ito.

Pagpasok ko ay gano'n na lang ang gulat ko dahil nasa harapan ko lang naman si Lady Priscilla, habang nakahubad. . .

Bakit pa ba 'ko magugulat katulad ngayon? Ilang beses ko na itong nakita, ilang beses ko na itong nalapitan habang wala siyang damit kahit na isa.

Nakita ko na ang lahat sa kaniya, bakit pa 'ko nagugulat ngayon? Bakit nagpa-panic at kinakabahan pa rin ako? 'Di ba dapat ay hindi na? Since ako naman ang umaasikaso sa kaniya. Ngunit may hinala naman ako, na kaya ko lamang ito nararamdaman ay dahil nagulat akong nasa harapan ko siya na naka-hubo't hubad.

Sino ba naman ang hindi magugulat sa kaniyang surpresa?

Anong surprise? Iyon? Oo-- ang ibig kong sabihin ay hindi. Hindi naman iyon. . . surprised. Nalilito lamang ako dahil sa kaba. . .

Ngunit hindi ko maipagkakaila, na may nararamdaman nanaman akong tensyon sa aming dalawa. Lalo na at nakatitig nanaman sa akin ito, sobrang riin nanaman.

“Kunin mo naman ang damit ko, Gael,” ito nanaman ang kaniyang boses, na nang-aakit. . .

Ilang beses na niya itong ginawa, sa loob ng maraming araw na kasama ko siya ay hindi ito ang unang beses na ginawa niya ito. Marami na, sinabi ko sa sarili ko na sanayin ko na lamang. Pero hindi pa rin ako nasasanay, lalo na't ginagawa na niya iyon.

Kinakabahan ako, hindi ako mapakali.

Mabilis kong ginawa ang inuutos niya sa akin, halos magkaundagaga ako sa pagkuha sa kaniyang damit na nasa sofa lamang ng kwarto niya. Noong makuha ko iyon ay agad din naman akong lumapit sa kaniya, inabot ko sa harapan niya ang kaniyang magarbong kulay itim na dress. Ngunit tinitigan lamang niya iyon, saka nanaman siya tumingin sa akin.

Waves of Destruction (Z Series #1)Where stories live. Discover now