Kabanata 29

2.8K 107 13
                                    

Mula sa pagkakaupo sa sala ay tahimik na pinagmamasadan si Dos na natutulog sa kwarto, mahimbing ang tulog niya dahil ganitong tanghali ay natutulog siya.

Ang pagtitig ko sa anak ko ay unti-unting napunta sa kawalan, iniisip ko ang naging usapan namin ni Priscilla kahapon at kung gaano siya kasayang makilala at makitang muli si Dos, ngunit kahapon ay nakita niya itong muli bilang kaniyang anak.

May parte sa aking sarili na naaawa sa kaniya, hindi ko gustong itago ang bata sa kaniya pero hinanda ko lang ang sarili ko para sa araw na malalaman na niya ang totoo, kahapon ay ang araw na iyon. Hindi inaasahan, nakakabigla iyon nang sobra.

Alam ko sa sarili ko na may nagawa rin akong hindi tama sa kaniya, iyon ay ang gumanti.

Ngunit katulad ng sinabi ko kahapon sa kaniya, walang kahit na sino ang pwedeng humusga at kuwestyonin ang dahilan ko dahil ang dahilan ko ay nasaktan at naubos ako ng taong akala ko ay ipaglalaban ako.

Niloko ako, sinaktan ako, at inubos ako.

Gusto ko man gumanti sa mas malalang bagay, ngunit mas pinili kong ibalik ang sakit na naramdaman ko sa paraang pinaramdam niya sa akin.

Pareho man kami, hindi naman ako magsisisi sa nagawa ko.

Habang nagmumuni-muni, nakarinig ako ng katok sa labas kaya naman tumayo ako sa pagkakaupo at napabuntong-hininga bago buksan ang pintuan.

Isang lalaking nakatalikod sa akin ang bumungad sa akin, sa kaniyang tindig at likuran ay nakilala ko na ito agad, hindi na 'ko nagulat pa na makita siya rito dahil panigurado na alam na rin niya.

“Ano ang ginagawa mo rito, Anton?” Iyon ang aking binungad sa kaniya.

Noong marinig niya ang aking boses ay saka naman ito humarap sa akin, isang pilit na ngiti ang iginawad sa akin ni Anton.

Kahit anong kumbinse ko sa sarili kong ngitian din ito pabalik ay hindi ko magawa, hindi ko siya kayang ngitian gaya ng ginagawa niya ngayon. Paano niya ako nahaharap gayoong isa siya sa mga taong sinaktan at niloko ako?

Siya ang dahilan kung bakit nagawa akong saktan ng babaeng akala ko ay siya na ang para sa akin, pero hindi.

“Sinusundo kayo,” komento niya pabalik sa akin.

Inaasahan ko na ito. Ang hindi ko inaasahan ay si Anton ang susundo sa akin, sa amin.

“Si Priscilla ba ang nag-utos sa 'yo?” Tanong ko sa kaniya, hindi pa rin nakangiti rito.

Unti-unting nawala ang pilit na ngiti sa kaniyang labi, naging seryoso ito at tila hindi na kayang ngumiti sa harapan ko dahil sa malamig kong pakikitungo sa kaniya.

Tumagos ang paningin ko sa kaniyang likuran. Mula sa entrada ng aking bakuran, nakita ko naman si Heather.

Bakit pa ako magugulat na makita siya rito? Gayoong siya ang tumulong sa akin sa lahat, siya rin ang dahilan kung bakit naririto sa akin ngayon si Dos, dahil sa pera niya.

Binalik ko ang tingin kay Anton, nakatingin pa rin ito sa akin.

“Paano kung hindi ako sumama sa inyo?” Tanong ko sa kaniya, nakalapit na rin si Heather sa amin.

“Malalagot kami sa kaniya,” sagot sa akin ni Anton.

“Ikaw lang, ikaw lang ang binantaan at sinama mo lang naman ako rito.” Sabi sa kaniya ni Heather, tumaas ang isang kilay ko.

Tumingin si Anton kay Heather, naniningkit ang mga mata. Kahit ilang taon na ang lumipas, ganito pa rin sila magkulitan.

“Ikaw naman ang dahilan kung bakit siya galit,” bawing saad ni Anton sa kaniyang kaibigan.

Waves of Destruction (Z Series #1)Where stories live. Discover now