Kabanata 17

4.4K 156 33
                                    

Play: Earned it
By: The weekend





Mula kaninang pagkagising ko pa lang ay hinahanap ko na si Priscilla sa taas, kahit sa pagbaba ko ay hindi ko pa rin siya nakikita.

Pumunta ako sa kusina dahil inaasahan ko, na naroroon lamang siya at may ginagawa. Katulad na lamang ng nagluluto para sa umagahan namin.

Ito ang pangalawang araw namin sa kanilang tahanan, sa unang araw ko rito ay nilibot ko ang buong bahay na iyo. Masasabi ko talagang maganda ito, modernong-moderno. May art room, music room, play room at iba pa.

Habang hinahanap si Priscilla ay ang pag-ring naman ng cellphone ko, tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Nangunot ang noo ko dahil hindi ko kilala ang numero, na ngayon ay naka-flash sa aking screen.



Unknown number
09*********



Kahit pa'y nagtataka ako ay sinagot ko ang tawag, wala paman isang segundo ay sigawan na nila ang narinig ko. Mga pamilyar na boses, na alam ko kung sino na.

“Sinagot na ba niya?”

“Yes, sinagot na.”

“Ano nasaan daw sila? Sinabi na ba niya?”

“Halata naman na ngayon lang niya sinagot ang tawag 'di ba?”

“Shh, just ask her na lang. Napaka-ingay niyong dalawa, shh okay?”

“Hello?” Natatawa kong tawag sa kanilang tatlo.

“Akin na nga!” Narinig kong sigaw ni Heather mula sa kabilang linya, narinig ko pa na nagreklamo si Anton sa tabi niya, “hi, Gael! Sorry tumawag kami sa 'yo, nabalitaan kasi naming wala kayo sa mansyon.” Mahabang wika ni Heather.

“Ah oo. . .” tanging nasagot ko sa kaniya.

“Bakit pala wala kayo?” Deretso niyang tanong sa akin, walang preno-prenong naganap.

Napakamot naman ako sa aking noo dahil sa kawalang sagot sa kaniya, nangangapa ako sa dapat kong isagot sa kaniya. Hindi ako sigurado kung ayos lang ba sa kanila, na ngayon ay kasama ko ang kanilang kaibigan sa mismong bahay nila.

“China-chat ka rin ni Annie pero hindi ka raw sumasagot sa mga iyon, nasaan ba kasi kayo ngayon?” Mahaba muli nitong turan sa akin.

Muli akong napakamot sa noo, ngayon ko lang din kasi nahawakan ang phone ko mula noong isang. Hawak ni Priscilla ang cellphone ko, pagkatapos namin gawin ang bagay na iyon ay nakatulog na ako't kinabukasan ay hindi ko na ito nahawakan pa.

Kahapon ay wala kaming ginawa kundi ang paglutuan ang isa't-isa, nilibot din niya ako sa kanilang bahay. Nakita ko rin ang mga paintings ng kaniyang daddy, roon ko napagtanto na kasing galing nito ang kaniyang anak. Nakaya niyang ipinta ang sariling asawa, bagay na bigla kong naisip na gusto ko rin ipinta ako ng kaniyang anak na babae.

Nakita ko rin siyang gumamit ng violin at piano, sobrang talento talaga ni Priscilla na sobra kong ikinahanga sa kaniya.

“Hindi ko-- hindi ko nakita, ngayon ko lang nahawakan ulit ang cellphone ko. . .” sagot ko sa kaniyang mga tinuran.

“So nasaan nga kasi kayo?” Muli niyang pag-uulit sa kaniyang tanong sa kanina, “alam namin na magkasama kayo, huwag mo ng itanggi.” Dugtong pa niya.

Kinagat ko ang aking labi ay kinutkot ang aking mga kuko, bumuntong-hininga ako at tumingin sa paligid.

“Nandito kami sa... sa Nueva Ecija. . .” putol-putol at tila nahihirapan kong sagot sa kaniya.

Waves of Destruction (Z Series #1)Where stories live. Discover now