Kabanata 4

4.8K 208 42
                                    


"How are you, Darling?" Tanong ni Ms. Margaret sa kaniyang apo, na si Lady Priscilla.

Pinapanood ko si Lady Priscilla at Ms. Margaret na kumain at mag-usap kasama ang aking mga kapwa kasambahay nila, tahimik na hinahalo lang ni Lady Priscilla ang kaniyang mangkok na may lamang Bilo-bilo. Ginagawa niya iyon, na parang nilalaro lang niya ang pagkain, para siyang walang gana.

"I'm fine," hindi niya manlang nilingon ang kaniyang Lola ng sagutin niya ito.

Nilingon siya ni Ms. Margaret at nakangiting nakatingin sa kaniyang apo, tinitingnan niya ito na parang wala lang sa kaniya ang sagot ng kaniyang apo. Na para itong walang gana at walang pakealam sa mga tao sa kaniyang paligid o sa mundo. Para nga lang itong may sariling mundo.

"Nasa pangpang ka nanaman kanina?" Tanong nito. Tumango lamang si Lady Priscilla sa tanong ng kaniyang Lola. . . "as always." Dugtong Ms. Margaret.

"Hmm. . ." Lady Priscilla just gave her grandmother an answer like that, but her grandmother seems she don't care at all.

Ms. Margaret just gave her attention to her food, saka muli itong nagsalita sa harapan ng kaniyang apo na walang pakealam sa mundo.

"Next week aalis ako, I will visit our business in Cebu." Anunsyo ni Ms. Margaret sa kaniyang apo, "and I'm sure na wala ako rito sa pinaka-importanteng araw mo, your birthday. Call me kung ano ang gusto mong regalo, okay?" Muling wika ni Ms. Margaret.

Birthday? Malapit na ang birthday ni Lady Priscilla? Ilang taon na siya kung ganoon?

"It's okay, Grandma." Maikling sagot ni Lady Priscilla.

"It's not okay, Priscilla!" Nakakunot ang noo ni Ms. Margaret habang sinasabi iyon, para itong bata na hindi nagustuhan ang isang bagay.

"My birthday isn't especial after all," laban naman ni Lady Priscilla.

"It's especial!" Sagot iyon ng kaniyang Lola, na parang bata na dahil para itong nagta-tantrums.

Dahan-dahan na binitawan ni Lady Priscilla ang kutsara at saka sumandal sa kaniyang upuan, nilingon niya ang kaniyang Lola na ngayon ay nakatingin na rin sa kaniya. I can't feel the tension between them, para ba itong normal na lamang sa kanila.

Ang kaniyang Lola ay parang nagmamaktol sa mga oras na ito, habang siya ay seryosong nakatingin lamang sa kaniyang Lola. They do not care if all of us are watching their moves.

"And for me it's not special," bawi nanaman ni Lady Priscilla sa kaniyang lola, sinubukang sumagot ni Ms. Margaret ngunit muli nanaman itong nagsalita bago ang kaniyang lola, "and you know that I hate my birthday," saad nito.

Sa kaniyang sinabi ay tumigil ang kaniyang lola, huminga ito ng malalim at tumahimik na lang. Right now, Ms. Margaret lose. I can see right now that her granddaughter always against to her words.

She hated her birthday? And why? Maliban sa pasko at new year ay ang kaarawan ang pinakamasaya sa lahat ng araw. She should be thankful, right? Siya lamang ang kilala kong ayaw ang sariling kaarawan.

Katahimikan ang namutawi sa kanila at sa buong dining area, walang nagsasalita na kahit isa sa kanila at sa amin. Muling nilaro ni Lady Priscilla ang kaniyang pagkain, halata sa kaniyang mukha ang pagkawalang intensyon na tikman ang aking niluto.

Taimtim ko lamang siyang pinapanood at pinagmamasdan, hinihintay ko ang kaniyang mga susunod na magiging reaksyon. Kung paano tumaas ang kaniyang kilay, pag-awang ng kaniyang mga labi, paglipad ng kaniyang mga buhok, at ang pagkurap nito. Lahat iyon ay napanood ko, lahat iyon ay nasaksihan ko.

Waves of Destruction (Z Series #1)Where stories live. Discover now