Kabanata 26

3.6K 117 48
                                    

Hello ka wonder HAHAHAHAHA.
A/N: Ilang chapter na lang matatapos na tayo, matatapos na ang Waves of Destruction.

Bolaga, medyo spoiler

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

Bolaga, medyo spoiler.

---------------------------

“Hoy dalian mo!” Sigaw sa akin ni Ace mula sa sala ng bahay namin,

Nasa kwarto kasi ako ngayon para magdamit at magbihis, aalis kami ngayon at makikidalo ng birthday sa aming Kapitan.

Anong oras pa lang naman, ang umpisa ng okasyon ay 5pm. Sobrang aga rin dumating ni Ace rito sa bahay, maaga rin siyang umuwi galing trabaho.

“Issa!” Muli nanaman niyang sigaw sa akin.

Napapikit naman ako ng wala sa oras, pagkasuot ko ng palda hanggang sa aking ankle ay kinuha ko naman ang cycling ko at saka ko naman sinuot ang isa kong paa roon saka sinunod ang isa ko pang paa.

Dahan-dahan kong tinaas ang cycling sa aking hita, tumaas din ang palda kong suot dahil doon. Hanggang sa umabot na nga ang cycling sa aking baywang, kaya naman pumunta na 'ko sa harapan ng salamin at nagsuklay roon at nagpulbo.

Isang ngiti ang binigay ko sa aking sarili, hinaplos ko ang buhok ko at binaba ang suklay. Sa pangalawang pagkakataon ay ngumiti nanaman ako sa sarili ko, napagpasyahan kong lumabas na.

“Is--”

“Lumabas na,” mahinahon kong sabat sa kaniya, dahilan para matigil siya sa pagtatangkang pagtawag sa akin ulit, “tumahimik ka na.” Komento ko pa.

Inirapan naman ako nito sandali at saka tumayo, hinawakan niya sa palad si Dos at muling tumingin sa akin.

“Tara na,” yaya niya sa akin.

Nagpatiuna itong lumabas kasama ang aking anak na si Dos, na walang kamalay-malay na pupunta pala kami sa isang handaan na magaganap sa aming barangay.

Sumunod naman akong lumabas sa kanilang dalawa, naglalakad ang mga ito habang ako naman ay sinasarado ang aming bahay sa loob ng limang taon.

Ni-lock ko rin ito para sa own safety na rin namin, hindi naman sa wala akong tiwala sa mga ka-barangay ko. Sadyang gusto ko lang makapanigurado, isa pa hindi naman lahat ng tao rito sa barangay ay talagang kaibigan ko. May iilan pa rin na hindi ko kilala, na hindi ko kaibigan.

Pagkatapos ay mabilis naman akong sumunod kay Dos at Ace na medyo malayo na sa akin, hindi naman nagtagal ay nakalapit na ako sa kanilang dalawa.

Ang lugar namin ay mapuno at bundukin din, nakapalibot naman sa amin ay dagat. Hiwa-hiwalay rin ang mga bahay, puro bike at bangka rin ang naririyo kaya naman talagang sobrang sariwa ng hangin sa lugar namin.

Sobrang tahimik dito, walang issue, sobrang payapa.

“Baka late na tayo!” Sabi sa akin ni Ace.

Waves of Destruction (Z Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora