Kabanata 30

2.5K 76 8
                                    

Day 1

"Magkano ang ibabayad niyo sa 'kin?" Tanong ni Kristopher kay Heather at Guadalupe. Lumingon din ito sa akin panandalian at muling tumingin sa mag-asawa.

Ngumisi naman si Heather at may kinuha sa kaniyang bag, isang sobre at inabot niya iyon kay Kristopher. Ang sobre at may laman, dahil na rin sa umbok nito. Kung hindi ako nagkakamali, pera 'yon.

"280 thousand pesos and all I need is your cooperation." Sambit ni Heather.

"Ilang buwan 'to?" Tanong nanaman ng lalaki.

"Hanggang sa manganak si Gael," sagot naman ni Guadalupe kay Kristopher, nagtataka naman itong tumingin sa akin.

"Buntis ka?" Naninigurado niyang tanong.

"280 thousand sa unang bayad, iba pa ang 100 thousand every month mong allowance." Imbes sagutin ang tanong ni Kristopher ay iba ang sinabi ni Heather sa kaniya, nabalik sa babaeng ito ang kaniyang atensyon. "Siguraduhin mo lang na gagawin mo ang trabaho mo. Sa araw na aalis na kayo, wala ka ng dapat alalahanin." Ani pa nito.

Day 2

"Sigurado ka na ba talaga sa undergo?" Tanong sa akin ni Heather, gusto makasigurado.

"Oo, sigurado na 'ko roon." Maikli ko naman na sagot sa kaniya.

Naririto ngayon sa bahay namin si Heather, binisita niya ako at kinausap patungkol sa plano kong mag-undergo ng IVF. Naririto kami ngayon sa likod ng bahay.

"Hindi ako aalis nang gano'n na lang, Heather." Turan ko at pambabasag sa namayaning katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nagtataka at nagtatanong itong tumitig sa akin, nanghihingi ng sagot.

"What do you mean?" Tanong niya sa akin, tumitig ako sa bundok na tanaw n tanaw namin ngayon. "Babaguhin mo ang plano?" Tanong muli nito sa akin.

"Hindi," agaran kong sagot sa kaniya.

"Eh, ano?" Tumitig ako sa kaniya at ngumisi.

Day 3

"Akala ko ba bukas pa ang alis namin ni Gael?" Nagtatakang bungad na tanong ni Kristopher kay Heather pagkapasok pa lang niya sa bahay ng mag-asawa.

"Bukas pa nga ang alis niyo, gusto ko lang sabihin sa 'yo ang nadagdag sa plano natin." Mahinahon na sagot ni Heather sa kaniya, wala ngayon si Guadalupe dahil binisita niya ang kapatid nitong si Sebastian.

Sinabi ni Heather kay Kristopher ang gusto kong mangyare bukas, lahat-lahat at walang labis at kulang.

Bakas sa mukha ni Kristopher ang gulat at hindi pagsang-ayon sa nasabing plano, kunot na kunot ang noo nito at halos magdikit na ang kaniyang mga kilay dahil sa narinig mula sa kaibigan ng kaniyang amo.

"Ano?! Gagawin niyo pa akong kriminal?!" May kalakasan na sabi ni Kristopher kay Heather, natawa naman ang kaibigan ko.

"Ano ba ang akala mo? Gagawin mo talaga? Gagalawin mo talaga si Gael?" Sunod-sunod na tanong ang iginawad ni Heather sa lalaking kasama namin ngayon, natawa rin ako. "Lahat ng sinabi ko ay ikwe-kwento lang natin, papalabasin natin na ginahasa at nabuntis mo si Gael." Paliwanag ni Heather.

Waves of Destruction (Z Series #1)Where stories live. Discover now