Kabanata 13

4.3K 139 21
                                    


Pinanood ko siyang umalis sa harapan ko, inangat ko ang aking kamay upang kumaway. Ngunit agad din akong napatigil at binaba ang aking kamay, tulala akong napangiti.

Isang baliw ang maaaring matawag sa akin, dahil na rin sa masaya ako at bigla na lamang malulungkot. Kinagat ko ang aking ibabang labi, saka naglakad patungo sa aming bahay.

Sa bawat hakbang ko ay ang bawat lipad nang aking buhok dahil sa hangin, sobrang ganda nang aming paligid. Open area ang aming lugar, ang aming mga bahay ay hiwalay-hiwalay. Ang paligid namin ay puro puno, bukid, at bundok lamang ang makikita.

Nginingitian at binabati ko naman pabalik ang mga taong nasa paligid ko, sa tuwing ngingitian nila ako't binabati. Nakita ko naman ang kapatid ko sa labas ng bahay, na si Mico.

Twenty years old na ito, sobrang matipuno. Para nga itong naggi-gym kahit hindi, mabait din ang lalaking ito.

“Mico!” Masayang tawag ko sa kaniya.

Lumingon naman siya sa aking kinaroroonan, nakatayo ako sa tapat nang aming bahay. Nasa terrace naman namin siya, na gawa sa kawayan.

Ang aming bahay ay gawa lamang sa kawayan, ngunit ang disenyo niyon ay sobrang ganda at moderno. Sabihin na natin, ang expensive tingnan ng aming tahanan. Malaki-laki rin ang bahay namin; may sala, tatlong kwarto, kusina, at cr.

Lahat nang mayroon sa bahay namin ay dahil sa pagtatrabaho ni Papa noon sa Canada, isa siyang driver doon ng isang pamilya. Kaya malayo rin ang agwat namin ni Mico ay dahil alam niyo na, 5 years din silang walang. . . ahm. . .

“Sino ka? Kilala ba kita?” Sagot niya sa akin.

Natatawa naman ako na nagpatuloy sa paglalakad, umakyat ako sa kawayan na hagdan. Saka ko siya binatukan, napamaang naman siyang humawak sa kaniyang batok at tiningnan ako.

“Para biro lang! Ang sakit, ah.” Sabi nito sa akin.

Hindi ko naman siya pinansin at niyakap lamang ito, pumasok naman ako sa aming sala. Nakita ko naman ang nanonood kong apat pang kapatid. Nakatalikod sa akin ang mga ito, busy sa pinapanood nilang movie.

Isa iyong drama, nasa nakakaiyak na part na iyon. Nakikita ko na ang paunti-unting pagtulo ng kanilang mga luha, lahat silang apat ay minor na. Mga kalalaking tao'y mahilig sa drama, tapos iiyak din naman pala. Wala naman problema roon, ang problema? Sinasabi nilang hindi sila iiyak, pero here they are.

Ang lalaking nakaupo sa kanang bahagi ng upuan na kahoy, na isa lamang ang pwedeng umupo ay si Maverick. Siya ang sunod kay Mico, 18 years old na ito. Sabihin na natin, na kung si Mico ay palabiro, siya naman ang mala-bad boy sa kanila. 

Ang sunod naman sa kaniya'y si Marcel, 17 years old. Siya ang play boy sa kanila. Sa isang buwan ay nakaka-ilang girlfriend ito, hindi na 'ko magugulat kung may magpunta sa aming bahay na buntis ito ay siya ang tatay.

Next sa kaniya ay si Mateo, 15 years old naman itong lalaki na ito. Matalino't masipag sa pag-aaral. Maraming achievement sa paaralan.

At ang bunso namin na si Markus, 10 years old. Pinaka-sweet sa kanilang lahat, pinaka-malapit kay Mama. Siya ang bunso, pero hindi ibig sabihin niyon ay lampa na ito. Hero ko kaya 'yan, iyon ang sabi niya sa akin.

“Oh? Bakit umiiyak kayo? Movie lang 'yan,” wika ko noong narinig ko, na sabay-sabay na nagsinghutan ang mga ito dahil sa kanilang mga luha.

“H-hindi kami umiiyak 'no,”

“Ak-- ako? Iiyak? Baka nagpapa-iyak. . .”

“Matapang. . . ako, hero ako ni Ate.”

Waves of Destruction (Z Series #1)Where stories live. Discover now