Chapter 1:

818 21 7
                                    

Chapter 1:

TAHIMIK na nakaupo si Heylie sa tapat ng puntod nang kanyang magulang na sila Hanna Lee-Romero at Harris D. Romero at kanyang kapatid na si Henry L. Romero.

'Sana nandyan rin ang pangalan ko' sabi niya sa kanyang isip habang nakatingin sa puntod ng mga ito.

Isang buwan na ang nakakaraan simula nang mangyari ang aksidente na nagpabago sa masaya buhay ni Heylie. Nang maalala ni Heylie ang mga huling araw na masaya siya, kasama ng kanya pamilya.

"IHA!, gumising kana!" rinig ni Heylie sa boses ng kanyang ina na si Hanna. Kaya napa-upo siya sa kanyang kama, habang pungas-pungas ang mga mata niya.

"Ate!.. Happy Birthday!" nakangiting bati ng kanyang kapatid na bunsong si Henry. Sabay talon nito sa kanyang kama at lumapit sa tabi niya.

"Thanks, my bro!" naka-ngiting yakap niya sa kanyang nakababatang kapatid.

"Ate! dalian mo na bumangon kana dyan!" excited na sabi nito. Agad itong kumawala sa pagkakayakap niya at agad siyang hinila nito para makatayo sa kanyang kama.

"Sandali lang" nakangiting sabi ni Heylie, ngunit hila parin siya nito patayo sa kanyang kama.

"Magbabakasyon tayo nila Mom at Dad, dahil birthday mo. Excited na ako ate!" Masayang sabi nito.

"Birthday ko, bakit ikaw ang excited?" Hawak ni Heylie sa ulo nito at ginulo-gulo pa ang buhok ng kapatid.

"Eh! syempre bakasyon yun. Hindi kaba excited ha?" iniwas ni Henry ang kanyang kamay sa paggulo niya sa buhok nito.

"Excited naman ako, kung di ka sana kasama" napatingin pa si Heylie sa kanyang ina. "Mom, wag na kaya natin isama 'tong si Henry?." turo ni Heylie sa kanyang kapatid.

Lumapit naman ang kapatid sa kanyang ina. "Mom, hindi po pwede wala akong kasama dito" hinila-hila ng kanyang kapatid sa damit ng ina.

Tumingin naman si Hanna ang kanyang ina sa kanila magkapatid. "Si Ate Heylie ang magde-decide kasi siya ang may birthday" kaya tumingin si Henry sa kanya.

"Ate, sige na sama mo na ako please!?" nakangiting sabi nito.

Naglakad si Heylie papasok ng kanyang banyo. Habang pinipigilan niya ang pag-ngiti at pagtawa dahil naku-cute-an siya sa expression ng mukha nang kanyang kapatid.

"Pag iisipan ko" sabi ni Heylie sabay sarado nang pinto ng kanyang banyo. Habang naririnig pa rin. niya ang pagkatok at pangu-ngulit ng kanyang kapatid.

"Ate, isasama mo naman diba ako?" Hindi sinagot ni Heylie ang kapatid, naghilamos at nag-bihis na lang siya.

Pagkalabas ni Heylie sa kanyang banyo. Nakita niyang nakaupo ang kapatid sa lapag na halatang hinihintay siya nito.

"Ate!" tumayo nito ng makiya siya at lumapit sa kanya. "Isasama mo naman diba ako?"

"Sige na nga..." nakangiting sabi ni Heylie. "kawawa naman ang cute kong kapatid" pisil niya sa pisnge ng kapatid.

"Yes!" Nakangiting sabi nito na parang gusto pang tumalon sa saya.

"Lets go na nga, para makakain na tayo ng breakfast, baka pumayat ka pa. Wala na ako makurot" naglakad na sila Heylie palabas ng kanyang kwarto.

Pagkababa nilang dalawa, nakita ni Heylie na nakahanda na ang kanilang mga gamit na dadalhin para sa pag-alis.

"Happy 18th birthday, my Princess" bumungad sa kanyang ang kanyang ama, habang may hawak-hawak itong kulay pink na cake.

Falling into Pieces [COMPLETED]Where stories live. Discover now