Chapter 13:

269 11 1
                                    

Chapter 13:

After one month

NASA ayos na ang lahat ng plano ni Heylie nakasimula na siya mga gusto niyang gawin. Nahirapan man siya sa simula naging masaya naman siya sa kinalabasan. Lalo nang pinakita sa kanya ng abogado ng kanyang magulang ang mga naiwan ng mga ito.

Ang bangko na pagmamay-ari ng magulang niya at ang ibang mga shares ng mga ito, nasa ngayon ang abogado muna nila ang nag-aasikaso. Alam ni Heylie na siya ang magpapatuloy ng mga iyon pagkatapos niyang mag-aral. Kaya malaki ang pagpapasalamat ni Heylie sa abogado nila dahil sa ginawa nito.

"Heylie?" tawag ni Jaymie sa kanya habang nag aayos siya nang kanyang bag. Kakatapos lang kasi niyang magpratice ng volleyball. "Musta ang busy mo ha?"

"Oo nga eh!" sabi niya at ngumiti dito.

"Magsesem-break na ha? Saan ka?"

"Sa orphanage. Magbibirthday na rin kasi si Henry" sagot niya.

"Ahh! Sa orphanage ka magcecelebrate?" tanong uli nito.

"Oo" sagot niya kay Jaymie.

"About nga pala kay Nathan" napatigil siya at napatingin kay Jaymie.

May tampo siya kay Nathan dahil hindi ito nagpaalam sa kanya. Naaalis na pala ito nang bansa at nalaman niya lang kay Nolan nang makaalis na ito.Simula nangyari ang eksena sa school na nalaman niya na hindi na pala pumasok si Nathan.

"Heylie? Ano, tara na?" sigaw ni Cholo.

"Sandali" taas ni Heylie sa kanyang kamay. "Aalis kasi kami, next time na lang siguro pag-usapan yan. Okey lang?"

"S-Sure" sabi naman ni Jaymie at ngumiti.

"Mauna na ako, bye!" kumaway ni Heylie at tumakbo na papunta sa mga kateammates niya sa volleyball.

"Tara" akbay  ni Cholo sa kanya. Naglakad na sila papunta nang sasakyan.

Sa tuwing may sasabihin si Jaymie na tungkol kay Nathan ay hindi niya nalalaman, dahil lagi siyang may pinupuntahan. Gusto niya rin naman malaman ang tungkol kay Nathan. Pero alam niyang magiging malungkot lang siya kapag napapag-usapan si Nathan. Kapag kasi nag-iisa siya bigla na lang siyang nalulungkot kapag naalala ito dahil wala na ito sa tabi niya.

Pumasok na silang dalawa ni Cholo sa loob ng van at nandoon narin ang mga teammates nila.

"Ang sweet n'yo ha?" nakangiting sabi ni Nadja sa kanila.

"Baka kayo na ha? bakit wala pang announcement?" sabi nang isang teammates nila.

"Pinaghihintay pa kasi ako" sabi ni Cholo at hinawakan nito ang ulo niya, para isandal nito sa balikat nito. Habang katabi nilang dalawa si Nadja.

"Ang sweet naman. Tama na yan!. Langgamin pa kayo dyan, kawawa naman si Nadja baka langamin" biro ni Rick. Na agad naman silang nagsitawanan dahil sa sama ng tingin ni Nadja kay Rick.

"Asarin mo ko!" sabi ni Nadja dito.

"Joke lang yun, peace tayo" nagpeace sign si Rick kay Nadja. Napangiti lang si Heylie sa nakikita.

"Tigilan mo ako!" sabi ni Nadja kaya natahimik sila Heylie dahil mukhang seryoso na si Nadja.

Nagring ang phone ni Heylie at nakita niyang nakalagay ang pangalan ng secretary niya na si Liz. "Hello?" sagot niya rito.

"Miss Heylie, may schuedule po kayo sa cared children. Birthday po ni Henry at Hanna."

"Sige pupunta ako ng 3:00 PM, thanks, Liz" tumingin siya sa relo at nakita niya na 12:55.

Falling into Pieces [COMPLETED]Where stories live. Discover now