Chapter 14:

256 11 1
                                    

Chapter 14:

After Six Years...

NAKAUPO si Heylie sa kanyang upuan sa kanyang opisina. Maaga siyang pumasok kaya nagbasa muna siya ng mga files na binigay nang kanyang secretary.

Napatingin si Heylie sa pintuan nang bumukas ito at pumasok si Patima. Si Patima na ang secretary niya ngayon. Nagresigned na si Liz dahil may pamilya na ito. Kaya habang nag-aaral sila noon ni Patima nagpahanap muna siya ng papalit kay Liz. nag-pahanap siya ng bago.

Pinag-aral ni Heylie si Patima kahit na nahihiya ito dahil twenty-one na ito. Pinilit niya ito hanggang sa pumayag naman ito. Kasabay ng paglipat ni Heylie ng school na kasama niya si Patima. Two years ago nakagraduate si Patima at ito na ang naging secretary.

Bumalik ni Heylie ang kanyang binabasa ng lumapit ito sa harapan ng lamesa.

"Miss Heylie, tumawag po sa akin si Hanna, debut n'ya daw po bukas" sabi ni Patima habang inaayos nito ang mga folder na nakalat sa harapan niya.

Napatangal niya ang kanyang salamin sa kanyang mata at nilapag ang kanyang binabasa.
"Muntikan ko nang makalimutan. Thanks sa pagpapalala." sabi niya at agad nang inaayos ang kanyang bag.

Si Hanna na nasa orphanage noon ay inapon ng mag-asawang negosyante. Kahit na twelve years old na ito nang ampunin ito. Sa ngayon maayos na ito sa pamilya nito.

"Saan ba gaganapin?" tanong niya kay Patima.

"Sa orphanage po" sagot ni Patima sa kanya.

"How about Henry?" tanong ni Heylie uli dahil mag-kabirthday ang dalawa.

Si Henry naman inampon rin ng mag-asawa na ilang taon nang mag-asawa pero hindi nagkakaanak. Pero ilang ang buwan lang ang nakalipas pagkatapos ampunin si Henry ng mga ito. Nalaman ng mag-asawa na magkakaanak na uli ang mga ito. Ngunit kahit ganun, hindi nang mga ito binalik si Henry sa orphanage. Dahil napamahal na ang mga ito kay Henry.

"Sa orphanage rin po" sagot ni Patima.

"Nice" nakangiting sabi ni Heylie dahil sa narinig.

"Nahawa na yata sa kabaitan n'yo, Miss Heylie" Heylie was nodded. She was happy for both of them, dahil hindi nakalimutan ng dalawa ang mga pinangalingan ng mga ito.

"Did you canceled my apointments for today, until tomorrow?" tanong niya dito.

"Yes. Saan ka po pupunta?" tingin ni Patima sa kanya.

"Bibili ako ng regalo nila." sabi niya. Hindi niya kasi naasikaso sa sobrang busy niya. Kinawit na ni Heylie ang kanyang bag sa kanyang balikat.

"Ahh! sige po" tumango naman si Patima sa kanya.

"Sige bye!" lumabas na si Heylie ng office at naglakad na palabas. Nakaparada yung sasakyan niya sa harapan ng pinto at agad siyang pumasok. Ini-start na niya ang sasakyan at pinaandar.

Malapit lang ang mall sa opisina ni Heylie kaya doon nalang siya pupunta para doon bumili ng pangregalo. Pagkapasok ni Heylie sa mall, pumunta siya sa mga pwedeng pagbilan ng regalo para kay Hanna. Madali lang siyang nakabili ng regalo para kay Hanna at sinunod naman niya ang regalo para kay Henry.

Simula nang umiyak siya dahil kay Cholo at Nadja, pumunta siya sa orphanage. Doon niya nakausap sila Henry at Hanna, nagpromise ang mga ito sa kanya na hindi siya iiwan ng mga ito. Hanggang ngayon nga, nagkikita pa rin sila, kahit na hindi na nakatira ang mga ito sa orphanage at may kanya-kanya ng tirahan at pamilya.

PAGKALABAS ni Heylie sa isang store ng pinagbilhan niya ng regalo kay Henry, naglakad-lakad muna siya sa loob ng mall.

Mag-aala-una na nang nakaramdam si Heylie ng pagka-gutom kaya naghanap siya ng pwedeng kainan.

Falling into Pieces [COMPLETED]Where stories live. Discover now