Chapter 11:

276 9 1
                                    

Chapter 11:

NAG-AAYOS na si Heylie ng kanyang ipit sa buhok sa harap ng salamin. Nang marinig niyang si Patima. "Miss Heylie, bakit po naka-lock ang pinto n'yo?" napalingon siya sa nakalock na pintuan.

Tinignan muna ni Heylie ang ayos ng kanyang sarili at kinuha na rin niya ang backpack niya na sinuot na niya sa kanyang balikat. Binuksan na ni Heylie ang pinto.

Nakita niya ang panlalaki ng mata ni Patima ng makita siya nito, ngunit ngimiti siya rito. 'It was a brand new day'

"Miss Heylie, saan po kayo pupunta?" nag aalangan tanong nito sa kanya.

"Sa School" nakangiting sagot ni Heylie. Na realize niya sa kanyang sarili na tama nga si Nathan na maging masaya ito at para rin sa sarili niya, at para din sa ibang taong nag-aalala sa kanya.

"Sabado po ngayon" sabi ni Patima na medyo ikinagulat ni Heylie at ikinawala ng ngiti niya.

"Sabado na ba?" napatingin si Heylie sa cellphone niya. Ilang araw na rin kasi niya na hindi nagamit. 'Saturday nga.'

Marami mga text messages, at missed calls sa iba't ibang number na nakita niya sa kanyang cellphone. "Ahh! sige, babalik na lang ako sa loob" Bumalik siya sa loob ng kwarto niya at sinarado niya ang pinto.

Tinignan niya ang mga text, mula kanila Jaymie, Nolan, Cholo, Nadja at yung ka-teammates niya at ka-teammates ni Nolan sa basketball at sa mga teammates ni Cholo. Pero wala kay Nathan. "hays! Soon to be father" napangiti siya dahil tanggap na niya kung ano ang gusto ni Nathan para sa sarili nito.

Napatingin siya sa teddy bear kay Naylie. "Ang bad ng father mo" napangiti uli. 'Sana nga maging totoo, pero alam ko naman na hindi pwede na sa atin lang siya. Dahil may iba manganga-ilangan sa kanya'

Binalik ni Heylie ang tingin sa study table niya. Nang makita niya ang emvelop na binigay sa kanya ng attorney na galing sa kanyang magulang na naglalaman ng mga orphanage na tinitulungan ng mga ito.

Tumayo siya at kinuwa ang isang back pack na maliit, tyka nilagay yung emvelop sa loob at lumabas ng kanyang kwarto.

"Miss Heylie. Saan po kayo pupunta?" Nakasalubong niya si Manang Beth na may dalang pagkain at may kasamang pang gamot.

"Sa orphanage po at kay Attorney" sagot niya.

"Kumain ka muna, yung manok nakain yata ng pusa. Sayang" iling-iling sabi ni Manang Beth.

"Wala po tayong pusa dito" nakangiti sabi ni Heylie dito. "Ako po yung kumain" sabi niya.

"Sana ginising n'yo ako, para naipagluto kita" sabi nito.

"No need na po. Tinuruan naman po ako ni Mom magluto." Kinuwa niya yung gamot. "Sige po alis na po ako" at naglakad na siya palabas.

'It's time na harapin ang mga challenges. No matter what happened. Para malaman ni Nathan na kaya ko.' "Tss! Nathan again" Pinalo niya ang kanyang ulo.

"Miss Heylie!" nakita niya si Mang Oscar, na may dalang bag ito. "Aalis na po ako" lumapit si Heylie dito.

"Salamat po sa pagdalaw" hinawakan niya ang kamay nito.

"Wala po yun" sabi nito at ngumiti pa. "Sana makapunta uli kayo dun" napabitaw siya dito. 'Pumunta sa lugar na nangyari ang aksidente?'

"Someday" sabi niya habang nakatingin sa baba.

"Sige po," sabi nito at lumabas na nang gate.

Habang si Heylie naman ay naglakad papunta kay Manong Alponzo. "Manong, aalis po ako pero puntahan n'yo po ako sa cementery. Magcocom-mute muna po ako" paalam niya dito.

Falling into Pieces [COMPLETED]Where stories live. Discover now