Chapter 5:

379 16 1
                                    

Chapter 5:

ILANG araw ang nakalipas, mas lalo pang naging close si Heylie at Nathan. Mas lalo na rin nilang nakikilala ang isa't isa sa mga nagdaang araw. Pero tulad noon, may pagkatahimik pa rin kung minsan si Heylie. Kaya kung minsan hinahayaan lang siya ni Nathan at kung minsan kinukulit siya nito.

"Ilan ang alaga mong pusa sa inyo?" tanong ni Nathan pero umiling lang si Heylie.

"Eh? Aso?" umiling uli siya.

"Ibon?" tanong uli ni Nathan.

"Wala akong alagang hayop" sabi ni Heylie ng mahinahon dahil alam niya na kinukulit lang siya ni Nathan para magsalita siya.

" Wala? Edi ako na lang ang alagaan mo" nakangiting sabi ni Nathan. Nagulat siya sa sinabi nito kaya napangiti na lang siya. Nakita niya na napaiwas ito ng tingin.

Medyo natahimik si Nathan. "Ilan kwarto ninyo sa bahay?" tanong uli ni Nathan sa kanya.

"Anim?" sagot niya.

"Wow! naman.. mayaman." nakangiting sabi nito.

"Ilang taon na kayong magkaibigan ni Jaymie?" tingin nito sa mukha niya.

"Four? since grade eight?" sagot ni Heylie.

"Ahh! buti hindi kayo nagkasawaan ng mukha?" sabi ni Nathan at tumawa pa ito sa harap niya.

Ngumiti si Heylie at umiling-iling. "Syempre naman" sabi niya.

Nakita ni Heylie na papalapit sila Jaymie sa kanila ni Nathan at lumapit sa kanila sila Jaymie. "Mall tayo sa friday ha?" nakangiting sabi ni Jaymie.

"Sige ba?. Sama ka Heylie?" tanong ni Nathan. Tumango naman siya at ngumiti.

"Syempre, sasama yan. Sige bye! alis na kami" paalam ng dalawa sa kanila. Nagmamadali ang mga maglakad paalis. Nagkatinginan sila ni Nathan dahil sa pagtataka sa dalawa.

MABILIS lumipas ang araw at madaling nag-biyernes. Magksama na silang apat sa isang mall.

"Manood tayong movie?" sabi ni Nolan.

"Maglaro na lang muna tayo" sabi naman ni Heylie sa tatlong kasama. Tinignan niya ang mga ito kung papayag.

"O? alam mo na?" sabi ni Jaymie kay Nolan. "Sige, Heylie, Tara" nakangiting sabi ni Jaymie sa kanya.

"Tara maglaro na tayo" sabi ni Nathan at hinawakan siya bito sa kamay.

Napatingin siya kanila Jaymie at Nolan. "Gusto ko ng pink na bear" sabi ni Jaymie kay Nolan.

"Bili nalang tayo" sabi naman ni Nolan.

"Gusto ko yung kinuha dun oh!?" turo ni Jaymie sa nakaupong bear na nasa loob ng glass cubicle.

"Mahirap kaya yun." kamot ang ulong sabi ni Nolan, napangiti si Heylie sa reaksyon ni Nolan.

"Kung ayaw mo, okey!?. ako na lang" pumunta si Jaymie sa bilihan ng token.

Napabitaw si Heylie kay Nathan ng mapansin niya ang dalawang bata. Napangiti siya.

"Ate may token ka pa? gusto kong maglaro doon oh!" turo ng bata lalaki sa basketball.

"Wala na. Hingi na lang tayo kala Mom ng pangbili, mamaya. Nag grocery pa sila eh!" sabi naman ng batang babae.

"Puntahan na natin kaya sila" sabi naman ng bata lalaki sa ate nito.

"Hindi pwede, hihintayin natin sila dito okey?" hawak ng bata babae sa kamay ng kapatid nito.

Napatingin si Heylie sa mga token. "O? libre ko na muna kayo" abot ni Nolan sa kanya.

Falling into Pieces [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon