Chapter 20:

312 9 1
                                    

Chapter 20:

HALOS TAON rin ang binilang ng paghahanda at pag-aasikaso nang kasal nila Heylie at Nathan. Nasa harapan na si Heylie nang malaking pinto nang simbahan. Nakapasok na ang lahat ng dumalo sa pinaka-aabangan ng mga kaibingan nila ni Nathan. Ang ikasal silang dalawa at ang araw na iyon ay mangyayari na.

Binuksan na ang malaking pintuan ng simbahan. Nang bumukas ang pinto, nakita ni Heylie ang magandang loob ng simbahan na akala niya ay sa pananginip lang niya mararanasan.

Nasa mga oras na iyon habang nakatayo siya, naghahalo na ang imusyon sa kanyang utak at katawan. Naglakad na siya papasok kasabay ng pagkanta ng wedding singer. Nanginginig siya sa paglalakad pero pinili niyang ngumiti. Biglang nagflashback kay Heylie ang lahat nang nangyari sa kanila ni Nathan.

"Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw ang iniisip-isip ko.  Di ko mahinto pintig ng puso"

Nang umalis si Nathan ito ang laging nasa isip niya at ang mga bagay na masaya nilang pinagsamahan. 'Si Nathan ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob para mabuhay pa uli.'

"Ikaw, ang pinangarap-ngarap ko, simula noong matanto na balang araw iibig ang puso"

'Si Nathan yung pinangarap ko noon pa, na sana may taong katulad niya na mahalin ako.'

"Ikaw, ang pag-ibig na hinintay puso ay nalumbay ng kay tagal Ngunit ngayo'y nandito na ikaw"

'Si Nathan pala yung taong maghihintay sa akin sa may dulo nang altar' Napangiti si Heylie nang akalain na iniwan na siya noon ni Nathan dahil pinaalis niya ito.

"Ikaw, ang pag ibig na binigay sa akin ng may kapal biyaya ka sa buhay ko ligaya't pag-ibig ko'y ikaw"

Na inakala ni Heylie na pinakita lang si Nathan sa kanya para masaktan uli at umiyak ng mag isa dahil para ito sa bokasyon ni Nathan na para dito. 'Pero mali pala. dahil isa lang pala yung pagsubok at tamang panahon para saming dalawa'

"Huminto sa bawat oras ng tagpo ang pag ikot ng mundo Ngumingiti ng kusa aking puso"
Napangiti si Heylie nang maala ang unang araw na huminto ang mundo niya nang makitang nag-lalaro si Nathan ng basketball. 'Nung sinabi kong mahal ko na s'ya'

"Pagkat nasagot na ang tanong Nag-aalala noon pag may magmamahal sa akin ng tunay."
'Akala ko wala na akong mamahalin pagkatapos ni Nathan. Pero nang dumating si Cholo akala ko siya na... Pero mali pa rin ako, kasi si Nathan pala talaga '.

"Ikaw, ang pag-ibig na hinintay puso ay nalumbay ng kay tagal Ngunit ngayo'y nandito na ikaw.
Ikaw, ang pag ibig na binigay sa akin ng may kapal biyaya kasa buhay ko ligaya't pag-ibig ko'y ikaw"

Malapit na si Heylie kay Nathan, may luha ito at nakangiting nakatingin sa kanya. Lalapit na sana siya kay Nathan nang marinig niyang ang malakas na pag-iyak ni Jaymie. Napalingon siya dito at napatingin rin dito ang ibang tao.  Akala ni Heylie na wala nang iiyak sa kanya kapag ikinasal siya dahil wala na ang kanyang pamilya. Pero napagtanto niya meron pa pala siyang kaibingan na katulad ni Jaymie.

Ngumiti ito sa kanya at sumensyas nang 'Go!'. Naglakad na si Heylie papalapit kay Nathan na nakangiti sa kanya habang may mga luha ang mata nito. Pumunta na sila sa harapan nang pari nang nakangiti.

ILANG minuto ang nakalipas sa nakatingin sila ni Nathan sa nasa harapan nilang pare. "...I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride" sabi nang pare. Tumingin si Nathan kay Heylie nang nakangiti at tinaas nito ang wedding veil niya.

Hinawakan ni Nathan ang magkabilang pisnge niya habang nakatingin sa kanya. "You're now forever mine" Nathan said and he kissed Heylie pasionately. Habang nasa leeg na ni Nathan nakahawak si Heylie at nakahawak na ni Nathan ang bewang ni Heylie.

Falling into Pieces [COMPLETED]Where stories live. Discover now