Chapter 22:

326 10 1
                                    

Chapter 22:

After Three Months...

PAAKYAT na si Heylie sa kanyang opisina para pumasok na.  Kahit na ang gusto ni Heylie na nasa tabi na lang nang kanyang kambal ay hindi pwede. Dahil mapapabayaan niya na ang kompanya nang kanyang magulang na iniwan sa kanya.

"Hello Ate Flor?" tawag ni Heylie sa nag-aalaga sa kanyang anak.

"Miss Heylie? may nakalimutan po ba kayo?" tanong nito sa kanya.

"Wala naman. Kamusta ang babies ko?" 'Bakit ba ganito yung feeling ko na ayokong mawalay sa mga anak ko.'

"Tulog po sila"sagot nito.

"Ah! sige.. Tawagan mo agad ako kapag may nangyari ha?"

"Opo. Miss Heylie"

"bye. ate" sabi niya at nilagay na ang kanyang cellphone sa kanyang bag.

Si Patima ang nag-handle ang lahat sa opisina ni Heylie. Habang si Nelson naman ang nag asikaso ng business ni Nathan na para mapag-isa ang bangko ni Nathan. Na pinagkasuduan nilang dalawa ni Nathan. Halos anim na buwan ring wala silang dalawa sa mundo nang pagtatrabaho. Binabantayan rin kasi siya ni Nathan at naaalagaan.

"Mine!" Napalingon si Heylie at napakunot ng noo ng makita si Nathan. Na dapat na nasa opisina pa nito.

"Why are you here?"tanong niya.

"Tss! I missed you too" sagot nito.

"Ha?" lumapit si Nathan sa kanya at inaakbayan siya nito.

"Nandito daw si Kuya Nelson" sabi ni Nathan. Kaya lalong napakinot ang noo ni Heylie sa narinig sa kanyang asawa.

"Anong ginagawa nya dito?" tanong niya sa asawa.

"Kinukulit si Patima" kaya naglakad silang dalawa papunta sa opisina niya.

Pagkarating ni Heylie at Nathan sa harapan ng pinto ng ni Heylie. Binuksan naman ni Nathan ang pinto. Nang mapansin ni Heylie na mapahinto ito at nakatingin lang sa may loob. Kaya napatingin rin naman siya sa loob at nanlaki rin ang mata ni Heylie sa gulat.

"Ang bastos mo-Miss Heylie?!" pinapalo ni Patima si Nelson. Nakita ni Heylie ang panlalaki ng mata ni Patima ng makita sila nito. Nakita kasi nila Heylie at Nathan na hinalikan ni Nelson si Patima.

"What are you doing here?" masamang tingin sa kanila ni Nelson.

"Sa Mine ko, 'tong opisina Kuya. Ikaw anong ginagawa mo dito? diba dapat nasa opisina ka?" akbay ni Nathan sa kanya, habang nakatingin ito sa kuya nito. Naglakad naman si Nelson papalapit sa kanila at naglakad rin naman papalapit kay Patima at hinawakan nito ang kamay ni Patima.

"Heylie?" tingin sa kanya ni Nelson at nakatingin ito kay Patima.

"Bakit?" tanong ni Heylie dito.

"Dadalin ko na s'ya ha? Pwede ba?" Mahigpit na hinawakan ni Nelson ang kamay ni Patima na nanlaki naman ang mga mata nito narinig mula kay Nelson.

"Ano?!. Sandali-? Miss Heylie?.." nakatingin sa kanya si Patima at tinatagal ang pagkakahawak ng kamay ni Nelson. "Miss Heylie?-" Umiling-iling ito sa habang nakatingin sa kanya. Ngumiti naman si Heylie kay Patima.

"Sige ba? basta ha? wag mo na siyang sasaktan ha? Kuya Nelson.." sabi ni Heylie na nakita naman niya napa-nganga si Patima sa narinig mula sa kanya.

"Yes. I know" sagot ni Nelson at hinila na nito si Patima, palabas ng opisina niya.

"Miss Heylie!" rinig ni Heylie tawag sa kanya ni Patima. Nararamdaman rin naman ni Heylie na magusto si Patima kay Nelson pero hindi lang nito maamin. Kapag tumatawag si Heylie kay Patima ay laging bukang bibig nito si Nelson, kaya nalaman niya na mutual ang feelings ng dalawa.

Falling into Pieces [COMPLETED]Where stories live. Discover now