Chapter 9:

286 13 1
                                    

Chapter 9:

NAALIM-PUNGATAN si Heylie nang marealize niya at nakita niya na nasa kanyang kwarto na siya. 'Paano ako nakarating dito?'.

Hinagilap niya ang kanyang cellphone para tignan kung anong oras na. It's already 2:00 in the midnight.

Naupo si Heylie sa kanyang kama at naalala niya si Nathan at nangyari sa kanila sa may sementeryo. Na hindi niya na ito makikita because she let him go away from her. 'I'm only me again, how can I continue my life kung wala yung taong nagturo sa akin kung paano mabuhay noon?' She thought.

At sinabi sa kanya ni Nathan na gusto siya nitong maging masaya. 'Paano ko gagawin ang sinasabi niya kung siya naman ang isa sa dahilan kung bakit naging masaya noon. I couldn't imagined na mangyayari 'to.'

'Paano ako mabubuhay kung wala na akong kaibingan na tutulong sa akin kung paano harapin ang mga bagay-bagay na darating sa buhay ko?'.

Alam niya na maaari siyang bumalik sa dati. Dating nakasanayan na iiyak na lang lagi. Dahil alam niyang na wala yung taong shoulder to cry on niya. Dahil pinaalis niya na ito, kahit alam naman niya na kung anong magiging kakalabasan. Na magiging mag-isa siya.

Tinatak niya sa kanyang isip na kailangan niyang maging matatag dahil ito ang gusto ni Nathan para sa kanya. Iyon ang gusto nang taong mahal niya, na maging masaya siya kahit wala na ito sa tabi niya.

Na maging masaya siya kapag nagkita sila. 'Pero paano ko sisimulan?' malalim na hinga niya at tumingin sa may kisame.

  

6:00 AM

SIMULA nang magising si Heylie ay hindi na uli siya nakatulog. Paano ba naman siya makakatulog kung marami siyang iniisip at isa na doon si Nathan.

Iniisip niya na dapat hindi na lang niya ito pinayag na iwan siya. Na sana, nasa tabi niya pa ito at masaya pa rin siguro siya kasama nito.

Hindi katulad ngayon na umiiyak na naman siya ng nag iisa. "Miss Heylie! gising na po ba kayo?" Narinig niya sa boses ni Manang Beth. But she ignore it. Alam niyang nangyari na ito noong mawala ang kanyang pamilya.

Namimiss na ni Heylie si Nathan, pero ayaw niya na mag-imagine na nasa tabi niya lang ito kasi alam niya na wala naman talaga. Katulad ng laging mag-jojoke ito kahit corny para sumaya lang siya.

"Miss Heylie!" tawag nito uli sa kanya. Hindi niya pa rin ito pinansin dahil umiiyak pa siya at ayaw niya na ipakita pa sa iba.

'Matatapos na lang ba ang storya ng buhay ko, na lagi na lang akong umiiyak at lagi na lang akong nasasaktan?.' She asked again.

"Miss Heylie! may pasok pa po kayo" katok nito sa kanyang pinto.

Kaya tumayo siya sa kanyang kama at naglakad na parang walang buhay. Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanya si Manang Beth.

"Jusko!-" Nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito.

"Hindi po ako papasok" sabi niya. She closed the door and she went back to her bed. Hindi niya gustong pumasok kasi baka makita niya si Nathan. Baka makita pa siya ni Nathan na malungkot at umiiyak, baka maging malungkot pa ito kapag nakita siya nito.

Alam ni Heylie na kailangan niyang mag isip kung paano siya magiging masaya mag-isa at paano hindi magiging malungkot sa harapan ng ibang tao.

Naluluha na naman siya kahit nag-iisip pa siya para hindi maging malungkot at umiyak. 'Mag-iisip nga ako, para hindi ako umiyak pero bakit umiiyak nanaman ako' Dumapa si Heylie sa kanyang kama at umiyak na naman.

Falling into Pieces [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora