Chapter 3:

516 22 2
                                    

Chapter 3:

NAUPO si Heylie sa tapat ng mga puntod, hindi niya pa rin mapigilan ang sakit na kanyang nararamdaman at pag-iyak habang nakikita ang mga pangalan ng mga ito, na wala talaga ang mga ito.

Nagsisisi siya sa mga nangyari dahil hindi siya nagpumilit na sumama sa mga ito. Na kung sana nagpilit na lang siya; 'Hindi sana siguro ako ngayon malungkot at nag-iisa'. Dahil sa nangyaring aksidente kinahantungan ng kanyang pamilya.

Isang buwan na ang lumipas ng mawala ang mga ito, isang buwan na rin  siyang malungkot at sobrang namimiss niya ang mga ito.

'Sana hindi na lang ako humiling na bahala na kayo. Siguro hindi mangyayari to!. Bakit kinuwa n'yo sila sa akin? bakit hindi na lang ako? Para hindi ako nasasaktan ng ganito?. Sobrang sakit na kasi..'

Napayuko si Heylie habang nakapatong ang kanyang dalawang kamay sa kanyang tuhod. 'Ano bang ginawa kong masama para kuwain mo sila sa akin? malaki ba?.' tanong niya sa kanyang isip.

Napatingin si Heylie sa mga pangalan ng magulang at ng kapatid. 'Kung bakit sila pa ang kinuwa n'yo sa akin'. Naninikip na naman ang kanyang pakiramdam dahil nasasaktan pa rin siya sa mga nangyari at hindi pa rin niya matanggap na nagbago na ang kanyang buhay.

Tumayo na rin agad si Heylie habang pinupunasan ang kanyang mga luha. "Uuwi na po ako. Dad, Mom" napatingin siya sa pangalan ng kanyang kapatid. "My bro".

Tumalikod na si Heylie at naglakad  papaalis nang may maramdaman siyang malakas na hangin ng dahilan ng pagtayo ng kanyang balahibo sa braso.

Napahinto siya sa kanyang kinatatayuan. 'Niyayakap n'yo po ba ako?' tanong niya sa kanyang isip. 'Kung oo, I missed you guys'. Naiyak na naman siya. Na kahit gusto niyang pigilan ay hindi niya magawa.

Napatingin si Manong Alponzo sa kanyang amo. Nagtataka ito kung bakit nakatayo lang si Heylie habang umiiyak. Kaya nilapitan ni Manong Alponzo si Heylie upang tawangin.

"Miss Heylie!" napatingin si Heylie kay Manong Alponzo na nakatayo na sa harapan niya na may pag-aalala sa mukha nito.

"Miss Heylie, ayos lang po ba kayo?" Tumango lang siya dito at naglakad papunta sa kotse na naka-parada sa di kalayuan.

Alam ni Heylie na nakasunod na si Manong Alponzo sa kanya. Sumakay na agad siya sa sasakyan habang hinihintay si Manong Alponzo na makapag-drive.

"Miss Heylie, uuwi na po tayo?" tanong nito. Tumango lang siya at pinaandar naman ni Manong ang sasakyan paalis ng sementeryo.

PAGKAUWI ay pumunta agad si Heylie sa kanyang kwarto. Pagpasok niya ay may nakahanda na ang mga pagkain ng nakatakip sa may lamesa sa kanyang kwarto.

Pumunta muna si Heylie sa kanyang banyo upang makapagbihis ng pangbahay. Pagkalabas ni Heylie sa kanyang banyo ay umupo na siya sa tapat ng lamesa para kumain.

PAGKATAPOS kumain ni Heylie ay nilikpit naman niya ang pinagkainan, para hindi na mahirapan pa ang kanyang kasambahay sa pagkakuha ng hugasin.

Kinuwa niya ang laptop niya matapos niya ang kanyang ginagawa. Nag-login si Heylie sa kanyang facebook na matagal na niyang hindi nabubuksan.

Nakikita niya ang mga new feeds ni Jeymie. 'She looks happy' sabi ni Heylie sa kanyang isip.

Nang mapatingin siya sa message.

Jeymie: Hi! Heylie.

Jaymie: Sabi ko sa'yo ipapakilala kita kay Nolan. But wala kana. BTW classmate mo pala si Nathan.

'Nathan? yun ba yung kaninang lalaki?.

Heylie Romero: I think so..

Jaymie: Gnun b?. K. bye. kita na lang bukas. May ggwn pa ako.

Falling into Pieces [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon