Chapter 18:

299 12 1
                                    

Chapter 18:

NAKATINGIN pa rin si Heylie sa dagat habang nakayakap si Nathan sa kanya. Si Nathan na matagal niya nang pinapangarap na mahalin rin siya nito, na nasa lagi niyang nasa tabi  na kayakap.

"Sorry ha? iniwan kita" sabi nito sa kanya. Ngumiti naman siya at umiling. "Wala ka bang sasabihin sa akin?" tanong ni Nathan sa kanya kaya napasandal siya sa balikat nito kaya malapit ang mukha nito sa kanya.

Tinangal ni Heylie ang pagkakayakap ni Nathan sa kanya para humarap kay Nathan para yakapan ito. "Wag mo na ako uling iiwan, kasi baka di ko na makaya kung mawala ka pa" Napaluha na si Heylie sa sinabi niya.

"Wag ka ngang umiyak" sabi ni Nathan at niyakap siya nang mahigpit nito.

"hmft!" napangiti si Heylie sa sinabi nito.

"Sabi ko diba kapag nagkita tayo gusto ko masaya kana, pero umiiyak ka pa rin." tinanggal ni Nathan ang pagkakayakap sa niya dito. "Iyakin ka ba talaga?" tingin nito sa kanya.

"Hindi no?!" sabi niya kay Nathan. Nang bigla naman siyang hinila nito at umakbay sa kaya at naglakad sila nang magka-akbay.

"Gusto mo lang umiyak para lagi ako nasa tabi mo 'no?" tingin ni Nathan sa kanya.

"Kung sasabihin ko bang 'Oo' hindi mo na ako iiwan?" tanong niya dito.

"Hmm? pag iisipan ko muna yan?" tingin pa ni Nathan sa taas.

"Kasi kapag iniwan mo uli ako, susundan na lang kita saan kaman-" hindi niya natapos ang sasabihin nang halikan siya ni Nathan.

"Hindi mo na kailangan gawin yun, kasi bumalik ako para mahalin ka" Nathan said and her heart beating so fast.  "Bumalik ako para maging masaya uli kasama ka. You're my happiness Heylie Romero" Nang may nilabas si Nathan leeg nito na kwintas na nakatago sa damit nito. 'Heylie'. Ang nakasulat dito na nakita niya dahil sa liwanag ng buwan.

"yan yung-"

"Kalahati ng kwintas ni Naylie. Yes. Sa'yo sana yun eh. kaso ayokong pang mangako noon." ngumiti ito. "Kasi baka mapako. Ayokong masaktan ka, pero nangyari pa rin nasaktan ka at umiyak" niyakap si Nathan. "I'm sorry"

"Wala na yun. basta magpromise kana na hindi mo na ako iiwanan, Nathan. Don't break my heart Again please?"

"Hindi ko gagawin yun. hindi na uli. I learned my lesson.. Kapag nandyan na yung taong alam mong mahal mo at mahal ka, dapat di mo na iniiwan baka isang araw magsisi ka wala kanang babalikan." Hinawakan ni Nathan ang makabilang pisngi niya.

"I'm so lucky kasi minahal mo ako. I'm lucky to had you. Will you be mine? and I'll always be yours" sabi nito sa kanya. Natawa naman si Heylie sa sinabi nito.

"Corny! But yes. Akin ka lang selfish na kung selfish. Nagmamahal lang" sabi niya dito na ikinalakas ng tawa nito. "Tawa ka dyan?".

"Wala, ang drama pala natin" sabi ni Nathan habang nakatingin at nakangiti sa kanya.

"Oo nga 'no? pero mas madrama ka" turo ni Heylie kay Nathan.

"Oo. kasi mas mahal kita.. kinikilig ka naman" yakap nito sa kanya.

"Excuse me?" taas niya sa kilay nito. Nang biglang tawa. "Oo, kinikilig ako." niyakap naman siya ni Nathan at niyakap rin niya ito nang mahigpit.

"Ipapasan kita" bulong sa kanya ni Nathan kaya bumitaw si Heylie sa pagkakayakap dito. Tumalikod si Nathan at sumakay naman siya dito,  nalakad-lakad na si Nathan habang pasan siya nito. Hindi na nakaya ni Heylie ang bigat ng kanyang talukap kaya pumikit na siya.

"MISS Heylie, gising na po kayo" rinig Heylie sa boses ni Patima.

"Hmm!" Napadilat ako siya at naalala ang nagdaang gabi na kasama niya si Nathan.

Falling into Pieces [COMPLETED]Where stories live. Discover now