Chapter 10:

279 10 1
                                    

Chapter 10:

NASA tapat na sila Heylie ng bahay nila habang sakay siya ng sasakyan ni Cholo. Nakita niyang bumukas yung gate at lumabas si Manang Beth.

"Gusto mo bang pumasok?" tanong niya kay Cholo pero umiling ito.

"Next time nalang, magpahinga kana." sabi nito. Tumango naman siya.

Tinangal ni Heylie ang seat belt niya at binuksan na yung pinto. "By the way, Heylie." napalingon siya.

"May practice na sa volleyball. If hindi mo pa kaya, I could tell Nadja na hindi ka muna makakapag-practice" Tumango na lang siya. Alam niya na hindi niya pa kaya makaharap ang ibang tao.

Lumabas na si Heylie sa sasakyan nito at lumingon uli kay Chilo. "Salamat Cholo" sabi niya.

"No Problem" sumaludo pa ito sa kanya.

Pumasok na si Heylie kasabay si Manang Beth. Pagpasok nila sa bahay ay naglakad na siya paakyat papunta ng kwarto niya.

Nang tawagin siya ni Manang Beth. "Heylie, okey ka lang ba, iha?" tanong nito. Tumango naman siya. "Sige dadalhan na lang kita ng pagkain at mabihis kana agad, magkasakit ka pa n'yan" tumango lang uli siyq.

Nagtuloy na siyang umakyat papunta sa kwarto niya.Pagkarating niya sa kwarto niya ay pumunta agad siya sa banyo at naligo dahil sa pagkabasa sa ulan.

Pagkatapos ni Heylie makapaligo at makapagbihis ay lumabas siya ng banyo.Malakas ang pagbahing ni Heylie at nararamdaman niya na medyo masakit ang ulo niya kaya nahiga na rin siya sa kanyang kama.

Nang may biglang sa kumatok sa pinto. "Miss Heylie, ito na po ang pagkain n'yo." Tumayo naman siya sa kanya kama para buksan ang pinto kahit na masama na ang kanyang pakiramdam.

"Ito na po--Miss Heylie!" Natumba si Heylie at nawalan siya ng malay.

"NAKO! Miss Heylie" Agad na nilapag ni Manang Beth ang mga dala nito.

"Tulong!" tawag nito.

"Si Miss Heylie!" Agad naman napatakbo si Patima sa amo nito.

"Sobrang init ni Miss Heylie" nagtulungan silang dalawa ni Manang Beth para mailagay si Heylie sa kama nito.

Pagkatapos mailagay sa kama si Heylie ay dali-dali naman na tumawag si Manang Beth sa Doctor ni Heylie

"Patima, maghanda ka ng tubig para mapunasan natin s'ya. Yung maligam-gam ha?" tumango naman si Patima at agad naman sinunod ang utos ni Manang Beth.

Habang tulog si Heylie, ay aligaga naman ang mga kasama n'ya sa bahay, dahil sa nangyari sa kanya.

NAPADILAT si Heylie pero maramdaman niya ang mabigat ang pakiramdam niya. Masakit ang ulo niya at nilalamig ang pakiramdam niya.

"Miss Heylie?" Nakita niya si Patima na nakatingin sa kanya.

"Off the aircon, please!" yakap niya sa kanyang sarili.

"Sige po" nagmamadali naman itong pumunta sa aircon upang patayin.

"Ano pong pakiramdam n'yo ngayon? may gusto po ba kayong kainin?" umiling si Heylie at pumikit dahil bumibigat ang talukap ng kanya mga mata.

"ANG sabi ko sa'yo magpahinga ka, ayan tuloy nag kasakit ka.. bakit kasi ang tigas ng ulo mo?" nakangiting sabi nito sa kanya.

"Nagsesermon ka pa, masakit pa nga ang ulo ko" lumapit ito sa mukha niya at hinalikan siya sa kanyang noo.

"Masakit pa ba?" tanong nito at malapit pa rin sa mukha nito.

Napangiti siya at tumingin dito habang umiiling-iling. "Hindi na, Nathan" sabi niya. Napansin niyang lumayo ito sa kanya.

Falling into Pieces [COMPLETED]Where stories live. Discover now