Chapter 16:

271 10 1
                                    

Chapter 16:

ILANG araw rin ang mabilis na lumipas. Hindi akalain ni Heylie na kaya niyang mag-stay nang halos tatlong araw sa kanyang kwarto. Dinadalan lang siya ng pagkain para makakain siya. Kahit alam niya sa kanyang sarili na sanay na siyang pumupunta sa kompanya at nagpapakabusy sa pagta-trabaho.

Pina-canceled ni Heylie ang lahat ng meeting niya kay Patima nang isang buong linggo. Iniisip niya na baka tama na iyon para maging okey siya. Para kapag nagkita na sila ni Nathan ay makikita siya nitong okey, okey sa paningin nito. Yung makakangiti siya sa harap nito at hindi na uli siya makikita nitong umiiyak.

Narinig ni Heylie ang pagtunog ng cellphone niya at nakita niya ang pangalan ni Jaymie. Walang ganang kinuha niya ang cellphone at tinouch ang answer.

"Hello friend, tomorrow is my wedding day, so don't forget, ha?" masayang sabi ni Jaymie sa kabilang linya.

"Yeah!" walang ganang sagot niya dito. Alam niyang kabalik taran ng nararamdaman nito ang nararamdaman niya ngayon.

"Nakaka-excite nga eh!" sabi niyo.

"Ahh!". 'Syempre kasal mo.. Ang bitter ko naman' sabi niya sa kanyang sarili na agad napailing. 'Sorry, Jaymie.'

"Alam mo friend, may makikita ka rin na mas higit pa kay Father Nathan." Tumawa pa ito.  "Okey? Beauty rest na muna. Bye!" paalam nito sa kanya.

Napailing naman siya sa sinabi ni Jaymie. Akala niya kasi noon na si Cholo na ang taong pwedeng pumalit kay Nathan sa puso niya. Pero hindi pala dahil ito pala ay para kay Nadja at hindi sa kanya. Na ngayon masaya na ang dalawa at masaya siya para sa mga ito.

Kaya akala na niya na iyon na  sign na ito para maniwala siya na si Nathan na talaga ang para sa kanya. Pero sa pagkakataon na nakita niya si Nathan na masaya na kung ano ito ngayon. Kabaliktaran rin ng nakikita niya sa mukha nito ng makita nito, ang nararamdaman niya.

"Miss Heylie? Ito na po ang dinner n'yo" sabi ni Manang Rose pumasok ito at nilagay ang hawak nitong tray na may lamang pagkain. "Kumain na po kayo". Tamango  lang siya. Lumapait siya may lamesa at nagsimula nang kumain. Lumabas na rin si Manang Beth.

'Bukas magkikita na kami. Sana hindi na ako tumakbo, sana makaya ko na siyang harapin'. Nagpahinga ng malalim si Heylie.

PAGKATAPOS niyang kumain ay tumingin siya sa harapan ng salamin. "Kaya mo hindi umiyak sa harapan niya" she said to herself.

Ngumiti si Heylie, pero makikita pa rin sa mata niya ang lungkot. Alam niya na kahit anong gawin niya, malalaman pa rin ng taong kaharap niya na malungkot pa rin siya. Lalo na si Nathan na nababasa nito noon ang nararamdaman niya dahil sa mata niya. 'Mababasa niya parin kaya hanggang ngayon?'

"Anong gagawin ko?" tanong niya sa harapan ng salamin sa kanyang sarili. Kahit anong isipin niyang solusyon na pwedeng gawin wala siyang maisip.

Nabaling ang tingin niya sa kwintas na nasa leeg ni Naylie na alam niyang buong heart ito noong makita niya. Nanlaki ang mata niya at tumayo sa kanyang kama. Hinanap niya ang kalahati nang kwintas na baka nalalag sa ibaba dahil doon niya nilapag ang teddy bear na si Naylie.

Kinapa ni Heylie ang ilalim ng kama pero wala siyang nakuha dito. Tinignan niya yung kwintas na nakasabit sa teddy bear at may nakasulat itong 'Nathan'

"Nasaan na yung kalahati? Sorry Naylie ha? dahil sa nilapag kita. Nawala tuloy yung binigay n'ya sa'yo" hinawakan ni Heylie yung ulo ni Naylie at nahiga habang yakap ito. 'Naylie Romero Santiago' napangiti siya nang maalala ang sinabi ni Nathan. Unti-unting napapapikit naman si Heylie hanggang sa makatulog.

Falling into Pieces [COMPLETED]Where stories live. Discover now