Chapter 12:

287 13 1
                                    

Chapter 12:

NAPAHAWAK si Heylie sa kanyang ulo nang biglang kumirot. Naalala niya na hindi pa nga pala siya kumakain at umiinom ng gamot na kinuha niya kay Manang Beth. Nakaramdam pa siya nang lamig at nanginginig na siya dahil sa hindi maintindihang nararamdaman at feeling na lumakas ang aircon ng sasakyan ni Cholo.

"Heylie, anong nangyayari sa'yo okey ka lang ba?" Napapalingon si Cholo para makita siya nito.

"Pahina naman ng Aircon mo medyo malakas kasi, tyka padaan naman tayo sa drivetreu" sabi niya kay Cholo.

"Hindi ka ba kumain sa buong maghapon?" tanong nito sa kanya.

"Naging busy kasi, tyka masaya naman-" hindi niya na naituloy ang pagsasalita dahil nagsalita ito.

"Masaya ka nga sa ginagawa mo, magkakasakit ka naman." Hininto ni Cholo ang sasakyan sa isang restaurant at bumaba na ito.

"Let's go" sabi nito sa kanya nang mabuksan ang pintuan nito. Lumabas naman si Heylie na may na hinang-hina nang bigla siyang ma-out of balance. Mabuti na lang at nahawakan siya agad ni Cholo.

"Ang init mo, tara na sa para makakain kana" nakahawak nito sa bewang niya upang alalayan para alalyan siya sa paglalakad.

NAGHINTAY na lang silang dalawa ni Cholo nang order habang nakaupo silang dalawa.

"Ibibili muna kita ng gamot" patayo nasa sana si Cholo nang pigilan niya ito.

"Wag na may dala naman ako" kinapa ni Heylie sa bag niya yung gamot na kinuha niya kay Manang Beth.

"Okey" sabi nito na sakto namang dumarating na ang kanilang order. Nang nilapag na nang waiter ang lahat ng pagkain, kumain na agad silang dalawa.

"May sakit ka pa kasi, bakit ka agad lumalabas?" Tingin sa kanya ni Cholo. Gusto sana ni Heylie sabihin dito na wag itong maingay pero hindi niya na lang sinabi.

"Kung masaya ka sa ginagawa mo, sana wag mo naman baliwalain yung sarili mo" napatigil si Heylie sa pagkain at tumingin siya kay Cholo. 

Napa-isip siya na katulad talaga ito ni Nathan. Napailing na lang siya nang marealize na pasok na naman ang pangalan ni Nathan sa usapan.

"Heylie, na iintindihan mo ba ako?" tumango lang siya sa tanong ni Cholo at pinag-patuloy na ang pagkain.

NANG matapos na silang kumain dalawa ni Cholo, ininom na ni Heylie ang gamot niya.

"Tara na, para maka pagpahinga kana sa inyo" sabi ni Cholo nang tumayo ito at pumunta sa tabi niya para alalayan siya nito patayo at naglakad na sila palabas.

Nang makapasok na sila Heylie sa sasakyan ni Cholo naupo na siya sa may passenger seat at ito naman ay nakaupo na rin sa driver seat.

"Bukas wag ka munang lumabas. Magpahinga ka, atkapag nakita kitang lumabas.. hay naku!" iling nito. 'May pagkabossy talaga ang isang to.'

"Okey" sinadal na niya ang kanyang ulo sa may bintana dahil masakit na talaga ang kanyang ulo niya.

NANG matatulog na si Heylie ay napatingin si Cholo sa kanya. Si Cholo Mortez ang team captain ng volleyball team, isa ring heartrob sa kanilang school. May pagkabossy dahil isa itong captain at gustong niyo na maging maayos lahat na nasa paligid niya.

Alam ni Cholo na matagal nang gusto ni Heylie si Nathan. Matagal niya na ring alam na magpapare ito.Pero alam rin niya na wala siyang karapatan para sabihin kay Heylie ang nalalaman, dahil si Nathan dapat ang magsabi nito kay Heylie.

Huminto na si Cholo sa tapat nang bahay nila Heylie. Ngunit hindi niya muna ginising ito at
tinitigan niya lang muna ito habang nakabaling ang ulo nito sa may bintana.

Falling into Pieces [COMPLETED]Where stories live. Discover now