Chapter 19:

294 10 1
                                    

Chapter 19:

PAGKATAPOS nila Heylie at Nathan magsimba, pumunta sila kay Nielthan para kamustahin ito at para makita niya uli ito.

"Nathan!, Heylie!" papalapit na tawag sa kanila ni Nielthan.

Napatingin si Heylie sa mukha ni Nielthan. 'Magkamukhang-magkamukha talaga sila pero kung titignan mabuti kapag pinagtabi sila, may pagkakaiba rin sila. Si Nielthan palangiti na parang walang gaanung problema. Si Nathan naman pagtitignan may pagkaseryoso. Pero pagngumiti parang si Nielthan rin. Ang galing talaga parang nagsasalamin lang si Nathan'. Tingin ni Heylie sa dalawang magkaharap.

"Mabuti naman at dito kayo nagsimba" nakangiting sabi ni Nielthan. Tinitignan pa rin ni Heylie ang dalawa. Nang mapansin niya na si Nielthan ay may nunal pala sa gilid ng kilay nito. Habang si Nathan naman ay may nunal sa ibaba ng labi nito.

"Dinala ako dito ni Nathan" tumingin si Heylie kay Nathan na nakakunot ang noo.

"Ganun ba? masaya akong makita kayong masaya at ipagdadasal ko kayo na maging masaya"

"Salamat Father" sabi ni Heylie at ngumiti kay Nielthan.

"Dumaan lang kami para kamustahin ka. Aalis na rin kami" sabi ni Nathan.

"Ayos naman ako dito. Kakakita lang natin kagabi ha? pero salamat na rin sa pagdalaw" sabi ni Nielthan.

"Sige. kambal, Father Nielthan aalis na kami" paalam ni Nathan sa kambal nito.

"Magkita nalang tayo uli, Heylie" kaway nito kay Heylie.

"Oo ba." sagot naman niya at ngumiti dito.

"Mag-ingat kayong dalawa, sana lagi kayong masaya" nakangiting sabi ni Neilthan sa kanila.

"Salamat. sige, see you" kaway naman ni Heylie kay Nielthan. Kumaway rin naman ito sa kanila. Naglakad na sila paalis ng simbahan.

Habang naglalakad silang dalawa ay napatingin siya kay Nathan. "Magkamukhang- magkamukha kayo no?" sabi niya na ikinataas naman ng kilay ni Nathan.

"Ni Nielthan ba?" sabi pa niya na alam naman ni Nathan ang tinutukoy niya. "Pero may napansin ako, may nunal siya sa gilid ng kilay niya. At ikaw naman sa may baba ng labi mo" napangiti si Heylie nang may biglang naisip.

"Ba't ka nakangiti?" tanong nito.

"Kasi kapag si Nielthan ang nakikita ko parang ang saya n'yang tignan. Ang bait ba niyang tignan" tingin pa ni Heylie sa taas.

"Paano kapag ako?" nangiting tanong ni Nathan sa kanya.

"Wala lang" She nodded.

"Ano?! Kapag-" hindi niya nang pinatapos itong magsalita.

"Kapag ikaw ang nakikita ko, wala akong masabi. Napapangiti na lang ako tapos, yung puso ko ang lakas ng kabog" tingin niya kay Nathan.

"I love it ha?" ngumiti si Nathan at hinalikan nito sa kanyang noo. Napangiti na lang rin siya sinabi niya.

Pagkarating nila Heylie at Nathan sa tapat ng pinto nang sasakyan. Pinagbuksan siya ni Nathan ng pinto para makapasok. "Pupunta tayo sa pamilya mo. Tara?" saad nito.

"Sige ba" sagot niya at ngumiti dito. Pinaandar naman ni Nathan ang sasakyan para makaalis na sila sa lugar.

NANG makarating silang dalawa sa sementeryo. Bumaba na silang dalawa sa may sasakyan dala ang bulaklak na paborito nang kanyang ina. Naglakad na sila papunta sa may puntod ng pamilya ni Heylie.

"Hello po!" sabi ni Nathan nang makarating sila sa tapat ng pundot ng mga ito.. "Sorry po at ngayon na lang uli nakadalaw." dagdag pa nito at ngumiti habang nakatingin sa pangalan ng magulang at kapatid ni Heylie

Falling into Pieces [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora