Chapter 8:

304 15 1
                                    

Chapter 8:

IYAK pa rin ng iyak si Heylie habang nakayakap siya kay Cholo. Finala siya nito sa garden na malayo sa ibang tao. Hindi siya nagsasalita, kundi iyak lang siya ng iyak dahil sa nararamdaman niyang sakit. 'Hindi ako pwedeng mahalin na taong mahal ko' sabi niya sa kanyang isip.

Napalayo si Heylie kay Cholo at pinunasan niya ang kanyang mukha. 'Ayoko nang umasa gusto ko ng mamatay. Bakit ba ayaw mo pa akong patayin kung pinahirapan mo naman ako ng ganito. Ang sakit!'

Tumingin si Heylie kay Cholo. "Salamat" tumayo siya at tumakbo na paalis.

"Heylie!" tawag ni Cholo sa kanya pero hindi niya ito nilingon man lang.

Hanggang makalabas na si Heylie ng campus at maghintay na ng taxi para makaalis na sa lugar.Hindi na kasi siya hinahatid ni Manong Alponzo dahil si Nathan na nakakasabay niya sa pagpasok at pag-uwi ng bahay.

Lalo pa siyang naiyak ng maalala niya na dapat sa oras na iyon kasama na niya si Nathan. Na hini-hiling niya na sana ganun lang uli sila ni Nathan. Sigurado na masaya siya kung kasama si Nathan. Pero alam niyang hindi niya kaya.

Naalala ni na kapag umiiyak si Nathan ang nasa tabi niya. Hinihintay siyang tumahan, at yung kahit wala pa itong panyo. Okey lang sa kanya dahil hawak pa lang ng kamay ni Nathan ay okey na para kanya. Basta si Nathan lang ito.

Maraming mga tanong nagumu-gulo sa isipan ni Heylie. 'Paano kung ako na lang uling mag-isa? Paano kung wala na si Nathan sa tabi ko? Babalik ba uli ako sa buhay noong nawala ang pamilya ko?'

"Miss Heylie!" Napalingon siya nang makita si Manong Alponzo.

"Pinapunta po ako ni Nathan, may nangyari po ba?" Hindi siya sumagot sa tanong nito. Pumasok na lang agad siya ng sasakyan.

'Nathan, Ikaw pa rin? Mahal mo rin ba ako? sana oo. Pero dahil alam kong mali at magiging kasalanan mo. Wag na lang, mali ako para sa'yo'

"Kanila Mom po tayo" sabi niya at tumingin lang sa may labas ng bintana. Habang pinipigilan ni Heylie ang kanyang pag-iyak, na hindi niya magawa.

PAGKARATING nila Heylie sa sementeryo ay agad siyang bumaba ng sasakyan at patakbo papunta sa puntod ng kanyang pamilya.

"Mom, Dad, my bro! please kuwain n'yo na ako. Nahihirapan na po ako" nakaluhod siya habang naka-yuko sa may salapag at iyak ng iyak. "Ayoko na nasasaktan na ako" napapikit siya sa sakit na kanyang nararamdaman.

NAKATULOG si Heylie at nagising na lang siya dahil sa may humahaplos sa kanyang mukha, kaya napadilat siya. Alam niya na isang tao lang ang gumagawa nito. Si Nathan.
Nang makita ni Heylie si Nathan ay naupo siya habang nakatingin dito.

'Yung taong minahal ko na pala nandito. Pero hindi ko pa man nasasabi sa kanya alam kong wala na agad pag-asa. Ang dapat na pag-asa, bigla na lang naglaho dahil sa desisyon niya. Na alam kong hindi  ko mapipigilan dahil ayun ang gusto n'ya' napalunok siya habang nakatingin kay Nathan ar habang pinipigilan na maiyak.

"Heylie..." tawag nito sa kanya habang nakatingin rin sa mga mata niya.

Hindi nakatiis si Heylie sa pag-nanasang yakapin ng mahigpit. 'Kahit ngayon nalang' yakap niya kay Nathan. Mahigpit at agad rin naman siyang humiwalay dito.

Nakita niya ang mga luha sa mga mata nito habang nakatingin a rin sa mga mata niya. "I'm really sorry, Heylie". 'Sorry? diba dapat ako yung masasabi nung sa kanya? kasi ako yung may kasalanan. Kung bakit siya umiiyak ngayon? Ako yung may kasalanan, pero bakit siya yung nagsosorry? tanga kasi ako dapat di na ako tumakbo, yan tuloy nalaman niya.' Iyak si Heylie ng iyak habang nakatingin kay Nathan na umiiyak rin.

Falling into Pieces [COMPLETED]Where stories live. Discover now