Chapter 2:

534 22 5
                                    

Chapter 2: 

NAGISING si Heylie na mugto pa rin ang kanya mga mata, dahil sa kakaiyak ng nagdaang gabi at dahil sa naalala na naman niya ang kanyang pamilya.

"Miss Heylie!" rinig niyang tawag sa kanya ng kanyang kasambahay.

"Gising na po ba kayo?" katok nito sa kanyang pinto.

Tumayo si Heylie sa kanyang kama at binuksan niya ang pinto upang malaman nitong gising na siya. Simula dumating ang mga kasama niya sa bahay ay hindi pa rin siya nga mga ito ns naririnig na magsalita.

"Ay! nagising ko po ba kayo? Sorry po, na sige po" nakita niya na nakatingin ito sa kanya mg nakangiti at agad rin naman umalis. Sinara na ni Heylie ang pinto at naglakad na papunta sa banyo.

Ang abogado ng magulang ni Heylie ang nag-hire sa kasama niya tatlong kasambahay, at sa isang driver para magdala kung saan niya gustong pumunta.

Simula nang mamatay ang magulang at ang kapatid ni Heylie ang lagi na lang niyang ginagawa sa araw-araw na dumadaan, ay ang pumasok, pupunta sa sementeryo para dalawin ang magulang at uuwi para magkulong sa kanyang kwarto at umiyak.

PAGKATAPOS ni Heylie maligo at makapag-ayos ng kanyang sarili, lumabas na rin siya sa kanyang kwarto at pumunta na siya sa may kusina.

"Miss Heylie, nakaluto na po akong breakfast n'yo... Itlog,ham at hotdog tyka nakapag-timpla ko na rin po kayo ng gatas nyo. May gusto pa ba kayo?" tanong ni Manang Beth isang may edad na babae na may kaputian na rib ang buhok.

Umiling lang si Heylie bilang sagot dito at umupo na sa may upuan katapat ng mga pagkain inihanda nito. Napatingin si Heylie sa dalawang upuan sa kanyang harapan at isang upuan na katabi. Kung saan dati ay doon naka-upo ang kanyang kapatid at magulang.

"Ate, pwede akin na lang yang hotdog mo? ubos na kasi yung niluto ni Mom" nakangiting sabi nang kanyang matabang kapatid.

"Ayoko nga" Iwas niya sa pagkain sa kapatid, nakita niyang napanguso ito.

"Sige na ate, gusto mo nang chocolates?" labas ni Henry ng chocolates sa bulsa hinaharap sa kanya.

"Wow! penge ako" kukuwain na sana ni Heylie ang chocolate na nasa kamay nito pero iniwas nito ang kamay.

"Akin na lang yung hotdog" sabi nito.

"Sige, akin na muna yung chocolates" turo niya.

"Sige sabayan ha?" Nilagay nito sa kamay niya ang chocolates, sabay bigay naman ni Heylie ng hotdog gamit ang tinidor.

"Thanks, My bro" nakangiting sabi ni Heylie sa kapatid nang makuwa niya ang chocolates, na paboritong niya.

"MISS Heylie, okey lang po ba kayo?" tanong ni Manang Beth bakas sa mukha nito ang pag-alala sa kanya.

Tumango naman si Heylie, pagkatapos kainin ang tatlong ham at uminon ng gatas na agad na ring tumayo. Hindi niya ginalaw ang hotdog dahil naalala niya ang kapatid na si Henry.

Pagkalabas niya ng bahay nila. Sa bahay na dating sakto lang para sa kanila nang kanyang pamilya. Pakiramdam niya na bigla na lang itong lumaki para sa kanya.

"Miss Heylie, tara na ho?" tanong ni Manong Alponzo. Tumango lang siya at pumasok sa sasakyan para maihatid na siya nito sa school na papasukan.

Napatulala siya sa tapat ng bintana ng sasakyan ng maalala ang unang pasukan, noong kasama pa niya ang pamilya.

"MY Princess, Dalian mo" tawag ng ama ni Heylie. "Naiinip na si bunso" tingin ng ama niyang si Harris sa likod ng upuan habang nakasilip si Heylie sa sasakyan.

Falling into Pieces [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon