Chapter 15:

299 11 1
                                    

Chapter 15:

NAKAAYOS na si Heylie para maging maaga siyang makapunta sa orphanage na pag-gaganapan ng party nila Henry at Hanna. Simpleng white dress at hand bag lang ang dala niya.

Alas-tres gaganapin ang party. Tinignan niya ang kanyang sarili sa salamin, nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.

"Miss Heylie, nandito na po ako sa Orphange. Magpapadasal po muna, thanks given mass daw po" sabi ni Patima sa kanya.

"Ahh! ganun ba? Sige, kakaumpisa palang ba?" tanong niya.

"Hindi po malapit na nga pong matapos" sagot nito.

"Ganun ba? Sige paalis na ako dito sa bahay. Tawagan na lang kita para matulungan mo ako sa pagbuhat ng regalo" sabi ni Heylie dito.

"Sige po, Miss Heylie" sabi ni Patima.

"Bye". She hang up her phone and she looked at the mirror para makita ang sarili. Lumabas na siya ng kanyang kwarto at bumaba na ng bahay.

Malaki na rin ang pinagbago ng bahay ni Heylie. Pinaayos niya ito simula ng lumago pa ang negosyo nang mahawakan niya ang business ng kanyang magulang. Masaya siya sa nakikita ang pinagpaguran niya kahit na may pagsubok pa siyang pinagdadaanan.

Muntikan na rin kasing malugi noon ngunit mabuti na lang madali niyang naresulbahan. Kaya mas lalo pa siyang nagsumikap para maging maayos ang negosyo na naiwan sa kanya.

Tinatak ni Heylie sa kanyang puso't isip na kakayanin niya. Kng anumang pagsubok ang pag daanan niya kaya simula noon ay hindi na siya umiiyak ng katulad dati. Hindi na rin siya nawalan ng pag-asa at alam niya makakaya ang ano problema ang dumating sa kanya.

"Miss Heylie, aalis na po kayo?" tanong nang kanyang kasambahay.

"Opo" sagot niya kay Manang Rose.

Si Manang Rose ay tatlong taon na itong naninilbihan sa kanya, dahil si Manang Beth na dati niyang kasambahay ay hindi na pinagta-trabaho ni Bella na anak nito. Si Manang Beth ang pumili dito para maalagaan siya ng mabuti.

"Mag ingat po kayo" sabi nito.

"Thanks" Lumabas na si Heylie ng bahay niya at pumunta sa grahe ng bahay niya.

Binuksan na niya ang kanyang sasakyan at pumasok. Nilagay niya ang kanyang hand bag na dala sa may passenger seat at inaayos mga side mirror at ini-start na ang makina ng sasakyan at umalis na siya.

ILANG minuto ang nakalipas, madali naman nakarating si Heylie sa orphanage.  Nasa gate na siya ng orphanage para pumasok.

"Magandang Tanghale, Miss Heylie" bati sa kanya nang guard.

"Magandang Tanghale. Tapos na ba ang misa?" tanong niya dito at ngumiti.

"Opo" sagot nito sa kanya habang binubuksan nito ang gate.

"Sige, kuya. Salamat. Pasok na ako" pinaandar niya ang ang sasakyan papasok.

"Miss Heylie!" tawag ni Patima sa kanya habang nagdadrive papasok. Huminto siya sa may parking lot at naglakad naman si Patima papalapit sa kanya.

"Nasaan na po yung regalo?" silip nito sa may bintana ng passenger seat na nakabukas.

"Nasa back seat pakikuha nalang" lumaba ni Heylie ang sasakyan.

"Sige Miss Heylie, ako na po ang magdadala nito sa loob" hawak nito sa dalawang box.

"sure ka?" tanong ni Heylie sahil alam niya na may kabigatan ang regalo.

"Sure na sure po. Ilang linggo na rin diba kayong hindi nakakapunta dito" 'Sabagay, tama naman siya.'

"Okey, then thanks" isinara na ni Heylie ang sasakyan.

Falling into Pieces [COMPLETED]Where stories live. Discover now