Chapter 6:

343 15 1
                                    

Chapter 6:

NAGKAKAYAYAAN na sila Heylie na umuwi pagkatapos nilang manood ng sine at kumain uli. Nasa parking na silang apat para maghiwalay pauwi.

"Sige bye, ingat guys ha?! Kita nalang tayo sa Monday. Nathan si Heylie ha?" turo ni Jaymie kay Nathan.

"Yes." tango naman nito kay Nathan.

"Bye, friend. Ingat kayo" paalam ni Jaymie sa kanilang dalawa ni Nathan.

"Nathan! alis na kami" kaway naman ni Nolan at pinaandar na nito ang sasakyan paalis.

"Tara na. Maggagabi na" sabi ni Heylie. Kaya pumasok na silang dalawa ni Nathan sa sasakyan nito.

"Ah! may naisip kana bang pangalan ng Teddy bear?" tanong ni Nathan sa kanya habang nagdadrive ng sasakyan ito.

"Heynat? kaya?" Tingin ni Nathan sa kanya. "or Thanlie?" dagdag pa nito.

"Naylie?" tingin niya kay Nathan.

"Okey. She's Naylie Romero Santiago. Bagay ba?" nakangiting tanong ni Nathan sa kanya.

"Pwede na." sabi ni Heylie at napatingin sa labas ng bintana. Pasimple siyang napangiti.

HUMINTO ang sasakyan ni Nathan sa tapat nang gate nang bahay nila Heylie.

"Thanks nga pala sa bear ha?" lingon niya kay Nathan.

"Basta ikaw." sabi ni Nathan at kumindat pa ito sa kanya.

"Bukas, susunduin kita para maibigay natin 'to sa mga bata" lingon ni Nathan sa backseat na kung nasaan nakalagay ang mga stuff toys.

"Sige" tango niya habang tinatanggal ang seatbelt niya, pagkatapos niyang matagal. Lumabas na rin siya sasakyan habang yakap si Naylie.

"Goodnight, see you tomorrow. Eight AM" sabi ni Nathan sa kanya.

"Sige. Ingat!" kaway ni Heylie habang hinihintay  itong makaalis pero hindi pa rin ni Nathan pinapaandar ang sasakyan. Kaya lumapit si Heylie sa bintana ng sasakyan nito.

"Bakit may problema ba?" tanong niya kay Nathan.

"Pumasok ka muna kasi" sabi ni Nathan medyo nagulat siya. Pero sinunod na lang niya ito at naglakad na pumasok siya papasok.

Pagpasok ni Heylie sa loob ng bahay, hindi pa rin niya narinig ang pag-alis ng sasakyan ni Nathan. Kaya nagmagaling umakyat si Heylie sa kanya kwarto. Binuksan niya ang ilaw ng kanyang kwarto at nilapag niya si Naylie sa kanyang kama at ang kanyang gamit na bag.

Tumingin si Heylie sa may bintana ng kanyang kwarto para tignan si Nathan. Nakita niya ang pag-andar ng sasakyan ni Nathan. Napabuntong hininga siya at ibinalik ang tingin sa bear na nasa kama niya.

"Okey. She's Naylie Romero Santiago. Bagay ba?" nakangiting tanong ni Nathan sa kanya.

Hindi niya napansin na napangiti na pala siya ng maalala ang taong nagbigay sa pangalan ng bear na nasa harapan niya ngayon. Nilapitan niya ang bear at niyakap ito.

KINABUKASAN nagising si Heylie sa liwanag ng sikat ng araw. Kaya nakusot niya ang kanyang mata para luminaw ang kanyang paningin.

Nagmadaling na rin siyang pumasok sa kanyang banyo para makapagbihis. Pagkatapos niyang magbihis at mag-ayos ay bumaba na agad siya sa baba ng kanilang bahay.

"Good Morning, Miss Heylie" nakangiting sabi ni Patima sa kanya habang naglilinis ito. Ngumiti lang si Heylie bilang sagot dito at naglakad na uli.

"Magandang Umaga, Miss Heylie" nakasalubong ni Heylie ang naglalaba sa kanila at ngumiti rin siya dito.

Pagkapasok ni Heylie sa may kusina may nakita siyang taong nakatalikod, na sigurado siyang kilala niya, kung sino ito.

Falling into Pieces [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon