Epilogue:

475 14 2
                                    

Epilogue:

After Five Years...

"Mom, I want Ice cream," sabi ni Nathalie kay Heylie.

"Okey. Ate, tatawagan ko si Daddy para ibili ka. Wait lang ha?" sagot ni Heylie sa anak. Habang binababa sa kama ang two year old na anak, na babae na si Narnielie Henz.

"Okey po" ngumiti ito at bumalik nasa paglalaro.

"Kuya, ikaw may gusto ka ba?" Lapit niya sa anak na lalaki si Nathaniel na nagbabasa.

"Wala naman po Mom" sagot nito.

"Okey" ngumiti si Heylie at kinuha ang cellphone para tawagan ang asawang na si Nathan.

"Hello! Mine, I missed you, both of you" bungad ni Nathan sa kanya.

"I missed you too. Pauwi kana ba?" tanong niya

"Yes. Why? may ipapabili ka ba?"

"Wala naman.. si Ate, Ice cream daw" tingin ni Heylie sa kanyang kay Nathalie.

"Nakabili na ako." sagot ni Nathan na nasa kabilang linya.

"Okey, then umuwi ka na, mag ingat ka. See you"

"Yes. See you there"

Binaba na ni Heylie ang cellphone at tumingin sa mga anak. Simula ng manganak siya uli, ay hindi na siya bumalik pa sa pagtatrabaho dahil lagi siyang hinahanap ng mga anak niya. Na ayaw niyang mapalayo ang loob nito sa kanya o kaya balang araw. Si Nathan na lang ang nag- aasikaso ng lahat mga negosyo nila. Kung minsan naman ay tinutulungan ni Heylie ito, na nagiging bonding na rin nila.

NANG makarating si Nathan sa kanilang bahay. Yakap agad at mga ngiti ng kanyang mga anak at kanyang asawa agad ang nakita at naramdaman.

"Hello Daddy" lapit ni Nathalie sa ama at agad itong niyakap.

"How's your day?"

"Fine po. Kasi nandito si Mom. I'm good ate po to Narnie" sabi nang anak na si Nathalie habang nakangiti.

"Oh! thats good. You're so adorable" halik niya sa noo ng anak. "How about you? Kuya"

"Fine" sagot nito. Kabisado na nito ang ugali ng anak, kaya alam niya na ganun talaga ito sumagot. Tahimik at hindi masyadong pala-imik.

"Mine, pagod kana ba?" lapit ni Nathan kay Heylie habang buhat nito ang bunso anak nila na si Narnielie.

"Medyo" sagot ni Heylie nang nakangiti.

"Sige, matulog ka na muna kaya?. Ako na muna ang magbabantay kay Narnielie." buhat ni Nathan sa kanilang anak. "at sa mga bata at pati sayo".

"Sure ka?" paninigurado ni Heylie sa kanya habang nakatingin sa mukha niya.

"Yes. Matulog kana" Niyakap niya si Heylie at hinalikan ang noo nito na ngumiti naman. Bumitiw na si Nathan kay Heylie upang makapagpahinga na ito. Umupo si Nathan sa may couch at nilapag si Narnielie sa naglalarong anak na si Nathalie. "Isali mo siya, Ate" sabi nito sa anak.

"Sure Dad, come baby Nar!" ngumiti si Nathan at lumapit naman si Nathalie Miracle kay Narnielie Henz para pahiramin nang laruan ang kapatid nito.

"Mamaya na lang ako matutulog" sabi ni Heylie. Napatingin naman si Nathan asawa na tumayo.

"Bakit?" tanong niya dito dahil nakikita niya ang pagod na mukha nito kahit nakangiti pa ito.

"Wala lang, gusto ko lang" sagot ni Heylie sa kanya at lumapit ito sa tabi niya at naupo.

Niyakap naman ni Nathan si Heylie ng isang kamay, habang masayang nakatingin sa kanilang dalawang anak na babae na naglalaro. Lumapit naman dito si Nathaniel Heirs sa kanyang bunsong kapatid para alalayan ito. Na ikinangiti nila Heylie at Nathan.

"They both closed to each other no?, i wished someday ganyan pa din sila. Mas close sa isa't isa at magmahalan" sabi ni Heylie. Hinalikan ni Nathan si Heylie at tumango siya sa sinabi ng asawa. Nag-ngitian silang dalawa at binalik ang tingin sa mga anak.

--**THE END**--

.
.

Falling into Pieces
written by: ellynnah
Elle ME

Author Notes: Inspired sa song ni Avril Lavigne na Fall to Pieces at When you're gone. Kaya na buo yan, Buti nalang napasoundtrip.. hehe Maraming-maraming salamat sa nagread, nagvote, at sa magcocomment.. Salamat!. Salamat!. hehe.

Sana mabasa ninyo rin ang ibang stories ko. Thank you.

Ps. Pabasa ng The Mafia Assassin (Prince and Princess).
Comments and votes. ^___^v

#Wattys2015
#FIP
#FallingIntoPieces
#ElainahME

Falling into Pieces [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat