Chapter 21:

288 11 1
                                    

Chapter 21:

After Ten Months...

"Good Morning! My beautiful mine" rinig ni Heylie sa boses ni Nathan kaya napadilat siya at tinignan ito. "Happy 27th birthday, mine" nakangiting sabi nito.

Nakita ni Heylie na may hawak itong pink na cake na nagpaalala sa kanya sa kanyang ama noong binigyan rin siya nito ng pink na cake noong eighteenth birthday niya.

Ngumiti si Heylie kay Nathan, ng biglang sumakita ang tiyan niya. Tatlong araw na sila Heylie nasa hospital para sa kanyang pang-nganganak. Iniwan niya muna kay Patima ang kanyang kompanya habang si Nathan naman ay iniwan rin nito sa kapatid na si Nelson ang kompanya. Kahit meron rin itong pinapatakbong sariling kompanya ay pamayag si Nelson.

Kailangan mag-ingat ni Heylie dahil delikado para sa kanya at sa dalawang buhay na dinadala niya sa kanyang sinasapupunan.

"How are you?" nakangiting tanong ni Nathan sa kanya pero ngumiti lang siya sa kanyang asawa. Kahit na may nararamdam siyang masakit ay pinili lang niyang na ngumit para hindi ito mag-alala sa kanya.

"Ako na ang mag-hihipan ha?" tingin ni Nathan sa kandila at hinipan nito kasabay naman ng pagsakit ng tiyan ni Heylie.

"Aray!..." angal niya sa sakit na nararamdaman at hindi na niya matiis ang pananakit ng kanyang tiyan.

"Mine!" narinig niyang tawag ni Nathan ngunit ang nararamdaman sakit ay hindi na niya nakakaya. Naging blanko na ang paningin ni Heylie dahil sa kanyang nararamdaman. "Doc!"

NAKITA ni Nathan na nawalan ng malay si Heylie ayaw man niyang iwan si Heylie sa mga oras na iyon ay kailangan niyang iwanan ito para tumawag ng doctor.

Pagkalabas ni Nathan nang kwarto ni Heylie sa hospital ay agad niyang nakita sila Nolan at Jaymie na papalapit.

"Tumawag kayo ng Doctor please!" sabi ni Nathan na agad naman pasok sa kwarto ni Heylie at nilapitan ito.

NASA loob na sila ni Heylie nang delivery room. Hindi mapakali si Nathan sa mga mangyayari ngunit pinili niya na sumama sa paghihirap na mararamdaman ng kanyang asawa.

"Nathan.." tawag ni Heylie sa kanya nang magising na ito. Ngumiti naman si Nathan sa asawa habang hinawi niya ang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha nito.

ILANG minuto lang ang lumilipas nakita nila Nathan ang paglabas ng anal na lalaki.
"Baby boy.." sabi nang Doctor na may hawak sa kanyang anak. Napangiti si Nathan habang sinusundan kung saan ito dadalhin.

"Nathan!..." sigaw ni Heylie sa kanyang pangalan kaya napahawak siya ng mahigpit sa kamay nito.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay nagsalita uli ang doctora. "Baby girl" sabi nito.
Nagpatingin si Nathan kay Heylie na nakangiti sa kanya.

"Nathan, ang mga baby natin" sabi nito. Tumango naman si Nathan sa kasiyahan na nararamdaman. "Babies" nakita ni Nathan na nakatingin si Heylie sa gawi nang kanilang mga anak.

"Hindi po umiiyak, Dra" napatingin si Nathan sa gawi nang nagsalita.

"Anong nangyayari, Nathan?" agad na pinilit tumayo ni Heylie ngunit agad ni Nathan itpng pinigilan.

Halos dalawang minuto na ang nakakalipas walang iyak pa rin na naririnig mula sa anak nilang babae. Nakikita ni Nathan ang paghihirap sa mukha ni Heylie.
"Sorry, Mr Santiago--"

"Hindi!.. Hindi pwede Nathan... Hindi totoo ang sasabihin nila diba? please tell me" sabi ni Heylie na hirap na hirap sa pagsasalita. Mas lalong pinilit ni Heylie bumangon ng buong lakas nito kaya pinigilan ni Nathan ito sa pamagitan ng pagyakap niya dito.

Falling into Pieces [COMPLETED]Where stories live. Discover now